Chapter 11
-----
“Tsk, bobo mo Louie!” sigaw ko.
Nakakaasar nawala yung Wicked Sick ko. Bobo kasing Pugna hindi nag Nether Wards. Nakipagunahan pang tumakbo sa akin. Labo amf!
“Tang’na ang tapang tapang kasi.” sagot ni Louie.
“Pu’ta! Kung naglagay ka ng Nether Wards dun edi maiilang sila! Hindi yung nauuna ka pang tumakbo sa akin. Ako naman yung naka focus fire.”
“Tahimik nga pwede?” singit ni Vince.
“Gago! Isa ka pa! Wala ka pang maayos na nagagawa.” sabi ko.
Si Vince na Crixalis. Simula kanina wala pang nagagawa. Epicenter niya puro palpak. Kung hindi maka cancel wala namang tatamaan.
“Panira ka kasi ng laro eh.” sabat naman nung walang kwentang Razor.
“**** Philip! Ayusin niyo kasi! Nawala lang ako ng dalawang linggo nawalan na kayo ng laro.” iritang sagot ko.
“Edi gumawa ka ng bago mong team para wala kang kakamping bobo.” biglang nagsalita si Ken.
Nagulat ako. Ngaun ko lang narinig si Ken magsalita ng ganyan. Nasaktan yata siya sa sinabi ko. Usually pag nagsesermon ako habang naglalaro hindi siya nakibo. Nakakapagtaka.
“Ha? Ano?” tanong ko.
“Tol, sa totoo lang. May kapalit ka na kasi eh. Halos tatlong linggo kang hindi nagparamdam. Naplitan kaming maghanap ng kapalit.” sabi ni Philip.
“Oo, pinagbigyan ka na nga naming maglaro ngaung eliminations eh tapos mumurahin mo pa kami.” sabi ni Vince.
Wala akong nasabi. Sobrang napahiya ako dun. Pinagmukha nila akong tang’a. Ganun pa man tinapos ko ang laro. Nagpaka emo ako sa laro. Sariling sikap na mga hero kill at gigil sa pagfafarm. Dinala ko ang Lina Inverse ko hanggang late game. Walang nakapigil sa pagka godlike ko. Aghanim’s, Guinsoo, Skadi, Heart, Mjolnir at Boots of Travel.
Naiinis ako. Pati pala mga kaibigan ko kaya akong palitan ng ganun kadali at iwanan. Sila na matagal ko ng kilala. Hindi na ako nagtataka kung bakit yung isang babaeng ilang araw pa lang akong kilala na agad kong nagustuhan agad ding lumisan sa mundong akala ko ay maaayos na.
Tumayo ako sa computer station ko at nagsimulang maglakad palabas ng shop.
“Nice game June, kung hindi dahil sayo baka na laglag agad kami sa eliminations pa lang.” biglang may tumapik sa akin. Si Vince.
“Simulan niyo ng sanayin sarili niyong wala ako sa team.” mahinahon kong sabi.
“Pre naman, emo ka na ba? Bakit ang pusong mamon mo? Gusto mo ikaw na maglaro ng mga susunod na match. 6th man lang naman yung bago nating ka team eh.” biglang banat ni Philip na nasa likod ni Vince.
Biglang may lalaking pumasok sa shop.
“Ano oras simula ng second match? Ako na ba maglalaro?” isang lalaking pamilyar ang pagmumukha ang nag umepal sa aming usapan.
Tang’na! Kilala ko ito! Teka…
“Ay June, siya nga pala yung bagong ka team natin. Si Nardo. Classmate ni Ken nung highschool.”
Pu’tang name! Nardo!
Naalala ko na… Ito yung ku’pal na ex ni Celina! Siya yung pinalit sa akin? Eh ang bano bano nyan?
“Sige, siya na paglaruin niyo sa mga susunod na laro. Goodluck.” sarkastikong sabi ko.
Bwiset! Ang liit ng mundo amf! Tang’nang buhay!
Chapter 12
unang bahagi ng tsapter 12
-----
Pagkalabas ko ng internet shop ay tumulig sa tenga ko ang nakakatuwang kantang Crank That. Pagnaririnig ko ang kantang yan hindi ko alam kung maasar o matutuwa. Napansin ko din na napakadaming tao sa paligid. Karamihan ay namumukaan ko dahil halos lahat sila ay nakalaban ko na. Merong mga napaka friendly na bumati at merong ibang deadma lang.
"Tol, musta na? Hindi ka na nagpupunta ng shop ah?" biglang may tumapik sa likod ko. Si Patrick pala, isa sa mga tropa ni Celina sa computer shop kung saan madalas ako dati gabihin.
"Oi, pre! Medyo madami lang ginagawa. Hehe!" sabi ko.
"Kasali ka pala tol. Yari kami. Sana hindi namin agad kayo makalaban." sagot niya.
"Nagkakamali ka. Napadaan lang ako dito. Tinignan ko lang yung dati kong team. Hehe! So, sasali pala kayo."
"Oo man! Namomroblema nga kami kung san maghahanap ng panglimang player. Mukhang hindi darating si Se-.."
*tok*
Bigla siyang binatukan ni April. Isa din sa mga katropa ni Celina. Teka, si Celina ba ang tinutukoy ni Patrick? Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Biglang hindi ako mapakali.
"Si Celina?" nanginginig pa yung boses ko ng sabihin ko yun. Amf!
"Ta'nga kasi ni Patrick! Mukhang hindi na namin maitatago." sabi ni April.
"Ang alin?" tanong ko.
"Well, June, alam namin kung nasaan si Celina. At siya ang panglima naming player pero hindi siya pupunta dahil... Nandito ka." sabi ni April.
Tinanong ko sila nuon. Dalawang beses akong nagpunta sa shop nila para magtanong sa kanila kung may balita na sila kay Celina pero sabi nila wala. Well, hindi ko rin sila masisisi. Mukhang napagsabihan lang sila. Nino? Ni Celina. Ang labo noh. When things seems to be so perfect bigla na lang siyang mawawala. Anong dahilan? Sana man lang sinabi niya.
"Since kasalanan mo kaya hindi makapunta si Celina. Ikaw maglaro para sa kanya." biglang singit ni Eunice.
"Ayos ah? Pagkatapos niyo akong lokohin." medyo naiiritang sagot ko.
"Hindi sa niloko eh. Kaibigan namin si Celina kaya nagawa naming itago yung nalalaman namin. Kung ikaw yung nasa kalagayan namin sigurado yun din ang gagawin mo. Sorry." sabi ni Eunice.
"Sorry din. Hindi ko maibibigay ang gusto niyo." malungkot kong sabi.
"Ikaw bahala. Balak pa naman sana naming sabihin kung nasaan si Celina." singit ni Maico. Ang pandak na barkada ni Celina.
Tumalikod sila at bumalik sa pwesto nila kanina.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Nagmunimuni ng mabilis. Nag-isip. Hmm... Pinasasakay lang nila ako. Tingin ko kahit maglaro ako para sa kanila hindi parin nila sasabihin kung nasaan si Celina. Pero na-isip ko ito na ang daan para magantihan ko sila Louie, Ken, Vince at Philip. Tatalunin ko sila dito sa tournament na ito.
Pumunta ako sa pwesto ng mga tropa ni Celina.
"Sige. Pumapayag na ako. Si Celina ang captain niyo hindi ba? I'll play that role." mahinahon kong sabi.
Pumayag sila. Umapila kami sa nag organize ng tournament at pumayag naman kahit na nakalista ako bilang isang reserved player sa team nila Louie.
Ok! Game!
Chapter 12 ulit
-----
Quarterfinals. Madali naming natapos ang laro namin kanina sa Eliminations. Magaling sana maglaro yung nakalaban namin kaya nga lang ay luge sila sa lineup namin. Sven, Chen, Viper, Mirana at Anubarak ang kanila at sa amin ay Nessaj, Lina, Nevermore, Akasha at Rexxar.
Bale kasalukuyang naglalaro kami ng aming pangalawang laro dito sa tournament. Pangatlo para sa akin. Dalawang beses kasi ako naglaro sa Eliminations. Isa sa dati kong team at sa team ni... Uh... Celina.
"Ta'e nabuhay! Pa follow up kay Nevermore please. Patayin para ma-delay ang pagbili niya ng Dagger. May Wrath na ba?" sabi ni Maico na gumagamit ng Raigor.
"Meron." sagot ni April na gumagamit naman ng Zeus. Gumamit siya ng Wrath ngunit hindi namatay si Nevermore dahil nakapag Bote pala ito.
"Haunt ko ha." sabi ko. Hindi man ako sigurado kung mapapatay ko si Nevermore dahil maaaring nakapag Bote ito ulit, gumamit parin ako ng Haunt at nag Reality sa pwesto ni Nevermore. May sa demonyo tong Nevermore na ito. Akalain mong nakapag Bote nga. Tinira ko siya ng Spectral Dagger at agad pinaghahampas. Sa tulong ng Dispersion napatay ko si Nevermore.
Malakas ang kalaban namin ngaun. Umpisa pa lang ay nag own agad sila dahil limang beses kami napatay ng sunod sunod. Hirap kami sa lahat ng lane. Ang hero kasi nila ay Rigwarl, Leshrac, Nevermore, Crixalis at Puck. Puro AoE spammers na grabe lumamon ng creep waves at sobrang sakit bumawas. Nakakaasar. Tagilid kami. Ang hero kasi namin ay medyo experimental Mercurial, Zeus, Raigor, Akasha at Nortrom. Ganun pa man medyo nakabawi kami nitong tumapak ng level 6 ang mga hero namin.
Level 11-16, mahigpit ang laban pero bahagyang nakalamang kami dahil tatlo ang namatay dahil sa balahura nilang attempt na mag push. Nevermore at Rigwarl lang ang buhay. Parehas level 16. Oops, 17 na pala yung Rigwarl. Problema yun. Radiance at Heart na. Tsk.
Ako level 15, Radiance at Diffusal ang item. Medyo maganda farm ko para sa Mercurial pero hindi ako kuntento. Medyo tagilid pa rin kami.
"Ok na yung Linken. Almost Heart na rin." sabi ni Patrick na gumagamit ng Nortrom.
Nice! Grabe, halimaw mag farm! Hindi ko inakalang merong pang mas masahol pa kay Ken sa pagfafarm. Kaka-level 17 pa lang ni Nortrom pero meron na siyang Eul's, Boots of Travel, Linken at Reaver. Monster noh?
Level 14-21, ang tagal ng laro. Talagang pahirap sa buhay tong Rigwarl, level 21 na. Siya parin ang pinakamataas ang level sinusundan ito ni Nevermore at Nortrom na level 20. Level 19 naman si Mercurial at Akasha. Tapos ang mga hindi nabanggit mga level 14-18.
Habang naglalakad palabas ng base nagulat ako ng makitang may kumikinangkinang sa mini-map. Tinignan ko ito pero huli na. Our allied champion has fallen sabi ng computer. Namatay si Raigor.
"May pang buyback ka?" medyo pasigaw kong tanong ko kay Maico.
"Wala!" sumigaw siya.
Amf! Paano kaya ito? Mukhang pupush ang kalaban.
Habang nakapwesto sa may loob ng base at nagaantay makaabot ang kalaban sa ramp. Nabasa ko sa screen. May pangbili ako ng hero. Shh! Kunwari wala para magpush sila. Bilhin ko hero ko habang nagpapatayan kayo.
Mayamaya ay walang katakot takot na sumubsob si Rigwarl sa ramp ng base namin. Naka Cuirass na ang loko.
"Guinsoo BB. Global sabay pasok Akasha tapos subsob rin ako. Zeus alalay lang sa likod. Spam, tago, spam tago lang." sabi ko.
Nag Wave si Akasha at nag Blink, Scream papasok sabay gamit ng hex kay Rigwarl. Kasabay nito ang Global. Nag Spectral Dagger ako kay Lesrac dahil silang dalawa ni Puck ang napuruhan. Mas madaling patayin si Leshrac kesa kay Puck kaya siya ang napili ko.
Kahit na naka silence ang mga kalaban, hindi nabuhay si Akasha sa patongpatong na damage ng limang hero ng kalaban. Patay ito. Natapos ang duration ng Global Silence at sila naman ang bumanat. Dahil ako ang nagiisang nasa loob ng pwesto nila. Ako ang pinagbalingan nila. Namatay ako pero bago yun ay napatay ko rin si Leshrac sa tulong ng spam ni Zeus. Naipasok nila ang kanilang mga ulti maliban sa Epicenter.
Pulahan si Zeus at Nortrom. Hinahabol sila sa loob ng base namin. Si Zeus ang pinuntirya dahil madali itong habulin. Nakapag Wrath pa bago ito mamatay. Hinahabol parin si Nortrom. Si Nortrom lang ang buhay. At si.. Raigor? Ayun!
"ECHO NA!" sigaw ng mga tao.
Nag Blink ni Raigor at nahuli niya ang tatlong nahabol kay Nortrom. Patay ang isa! Pulahan ang dalawa.
"Bilhin ko na." sabi ko.
Binili ko ang aking hero at nag Haunt, Reality at Spectral Dagger. Wasak sila. Naka Double Kill ako at kasalukuyang hinahabol namin si Rigwarl. 1/4 nalang ang buhay nito pero hindi parin namin napatay. Amf na baboy.
Sinubukan naming mag push. Merong dalawang bumili ng hero pero hindi sila handa. Winasak lang ni Nortrom ang sumubok mag def. Si Rigwarl naman ay walang magawa. Paglumalapit ito ay binabato siya ng disable. Nabasag namin ang mid nila. Ganun pa man ay naging mahirap paring tapusin. Magaling talaga ang kalaban plus maganda pa ang kanilang hero. Buti na lang ay tatlo ang lumakas sa amin at sa kalaban ay dalawa lang.
Nanalo kami sa pamamagitan ng walang tigil na pangbabackdoor ni Akasha sa level 4 tower nila. Hindi na namin nai-mega dahil magaling silang mag def. Nautakan lang namin sila sa pamamagitan ng clash ni Mercurial, Zeus, Nortrom at Raigor habang salisi ni Akasha. Sumingit ako sa pamamagitan ng Haunt at nag reality sa mga nag dedef ng Throne na kinakalaban ni Akasha. Pinatay namin ni Akasha si Leshrac at Crixalis at tuluyang tinapos ang Throne nila.
Natapos ang Quarterfinals at sinabi na sa amin ang sunod naming makakalaban para sa Semifinals.
Louie, Ken, Vince at Philip, maghanda kayo.
Chapter 13
unang bahagi
-----
Maglalaro kami ngaun nila Louie, Ken, Vince at Philip pero hindi bilang magkakakampi kung hindi bilang magkakalaban. Semifinals, kami agad ang nagkatapat. Dinurog daw nila yung kalaban nila sa quarterfinals. Yung team na yun pa man din yung palaging tumatalo sa amin dati. Pero kanina nilampaso daw nila. Aba, ibig sabihin mas malakas sila ngaun kesa nung ako yung nasa pwesto ni Nardo. Well, malalaman natin.
Nag tosscoin, nag ban ng mga hero, nagpilian ng mga hero at nagsimula ang laro hindi ko parin pinapansin ang aking mga kaibigan. Hindi rin nila ako iniimik. Marahil ay umiiral ang pride o di kaya ay talagang nahihiya lang sila.
Gamit ko ay Mirana, katapat ko sa mid si Puck. Hindi pamilyar sa aking ang pangalan ng Puck kaya sa tingin ko si Nardo itong Puck.
Katapat ng aming Akasha at Rexxar si Leoric at Nevermore sa taas. Sa baba naman ay kapat ng aming Lina at Sven si Zeus at Raigor.
Haaayz... Alam na alam ko na tong larong to. Saktong pag level 6 ni Puck magiikot ito para mang gank. Lilipat si Zeus or si Raigor sa gitna para solo ang isa sa mid at solo angi sa sa baba. Kapag level 6 na sila si Puck, Nevermore, Zeus at Raigor walang tigil sa pag gank habang si Leoric pasingit singit sa clash dahil panay ang farm. Ganun pa man, alam kong mahihirapan kami dahil hindi biro maglaro itong mga dati kong ka team. Ewan ko lang dun sa isang saling kitkit na yun.
Nagkasalubong kami ni Raigor sa river at bigla niya akong ginamitan ng Fissure nagbigay daan ito para siya ang makakuha ng Haste. Hinabol niya ako at umalalay sa kanya si Puck. Sibak ako, first blood ako. Asar. Medyo nanghinayang ako dahil parang napunta sa wala ang lahat ng pagdedeny at panghaharas ko kay Puck kanina. Amf!
Balik sa pwesto. Level 6 na ako. Todo kayod ako sa deny at haras pero Level 6 din ang aking katapat na si Puck dahil namatay nga ako kanina.
Tsk, wala nanaman si Raigor. Peste! Kelangan mag ingat ingat.
Boom! Patay si Rexxar. Si Raigor nakakuha nanaman daw ng Haste. Amf! Sabi na eh. Kung nagkataon na hindi ako umalalay sa pwesto ko kanina baka ako yung pinatay nun. Killing Spree na sa baba si Sven, inulam ni Lina at Sven si Zeus. Haha! Mahusay!
Level 6-10, so far nakapagfarm naman ako. Level 10 naka 70+ creep kills na ako. Si Puck napatay ko ng isang beses at kasalukuyang level 9 siya. Sven namin umaariba, Mega Kill na ito, level 10 na rin at malapit na daw magka Black King Bar. Ayos! Problema lang namin ay si Leoric, hindi pa ito namamatay. Si Ken ang gumagamit ng Leoric, ano pa nga ba. Yung Nevermore naman mukhang mayaman na kahit level 9 pa lang. Hmm. Ano kayang kahihinatnan ng laro. Lamang sila sa push, tatlong level 1 tower namin basag na sila isa pa lang ang basag nilang level 1 tower. Lamang kami sa kills, 12 ang kills at 7 ang deaths naming Sentinel.
Level 10-17, bumaliktad ang laro. Meron ng Radiance at Reaver ang kaka Level 17 na Leoric nila. Kumakana na silang dalawa ni Nevermore na level 16 naman. Nahabol nila ang score, 24-22 na ito ngaun. Na-wipeout nila kami isang beses gamit ang Echo, Requiem, Wrath at nitong huling clash naka Double Kill itong si Leoric.
Rerekta si Leoric, Nevermore Raigor at Zeus dahil patay ang dalawa sa amin. Ang buhay lang ay ako, si Sven at si Akasha. Kaya naman siguro naming mag def. Cooldown ang BKB ni Nevermore at walang Echo Slam. Meron pang Resu si Leoric pero paliparin nalang siguro.
Pumana ako.
"Sapul Zeus!" Sigaw ko.
Sabay kaming tumalon ni Akasha. Sibak agad kay Akasha ang Zeus. Habang si Leoric ay lumilipad. Nag Fissure si Raigor na kasalukuyang bawas na rin. Nagblink silang dalawa ni Nevermore palayo. Naiwan si Leoric at pinagpiyestahan namin hanggang mamatay. May isa pa itong buhay pero pumalag ito. Nag Fissure ulit si Raigor at umaalalay naman si Nevermore. Bago mamatay si Leoric ay biglang may sumulpot na impakto. Si Puck! Binato niya lahat ng kanyang skill at ginamitan ng Dagon si Akasha. Patay ito.
Tinapos ko ang buhay ni Leoric at Pumana ako ulit. Tinamaan si Nevermore. Tinalon ko ito sabay gamit ng Purge. Patay si Nevermore.
Si Puck naman akalain mong napatay din niya si Sven. Naka Double Kill ito. Pero pulahan din. Muntik itong makatakas buti na lang ay dumating ang Lina namin gamit ang Portal at Dagger. Tinapos ni Lina si Puck sa pamamagitan ng Laguna.
Naiwan si Raigor pulahan at tumatakbo, hinahabol ko ito. Pinatay ko din.
Triple Kill? Haha!
Chapter 13
kadugtong
-----
Ok, natatalo na kami. Ako at si Sven lang ang buhay. Nevermore, Puck at Leoric ang buhay sa kanila, medyo pulahan pero hindi parin kami makalapit ni Sven. Cooldown BKB namin. Wala kaming magawa, kakatapos lang nilang basagin ang dalawang barracks namin sa mid at ngaun diretso na sila backdoor sa baba.
Bigla kong napuna ang kulay light blue na kumpol sa may malapit sa level 3 tower nila sa bottom lane.
"Napupush yung baba nila. Sino mag Travel? Ako o Sven?" tanong ko.
"Ikaw na lang, para sure na ma stun ko sakaling mag TP. Tsaka cooldown ang GS ko eh." sagot ni Patrick na gumagamit ng Sven.
Gumamit ako ng Boots of Travel papunta sa mga creeps namin sa may bottom lane. Starfall agad sabay arangkada na. Nakarating ako sa level 3 tower nila. Pasira na pala ito. Binanatan ko ito agad hanggang masira. Nagtaka ako bakit wala pang nag TP. Kahit Vulture, walang nag TP. Siguro makikipagsabayan sila at sine-save nila lahat ng kanilang mga TP sa Vulture para mamaya.
Binilisan ko ang pagbasag.
"Basag 2 barracks natin sa bottom." sabi ni Patrick.
"Sasabog narin itong kanila."
Mabilis kong sinira ang unang barracks. Malapit ko na sanang mabasag ang pangalawang barracks nila sa bottom lane ay biglang umilaw ito. Pero laking gulat ko ng naudlot ito.
"Tinamaan ng Bolt si Puck. Haha!"
Dumiretso daw ang kalaban sa tower namin sa taas. Buhay na ang Zeus nila. Buhay na ang Lina namin.
"Diretso na ako dito sa mid nila. Isang barracks nalang nandito, saglit lang ito." sabi ko.
Dumiretso muna ako sa may level 4 tower nila para mailang si Zeus sa pagdedef. Nung nakarating dun ang kumpol ng creeps namin ay nagsimula akong mangbackdoor sa mid. Habilis ko din itong nabasag.
Dumiretso ako sa taas. Buhay na rin ang Raigor. Palapit sila sa akin. Pero laking gulat ko. Nasa tabi ko si Sven. Gumamit pala ito ng Boots of Travel.
"Sila na mag def, bahala na." sabi ni Patrick.
Sabay naming pinatay ang Raigor at Zeus. Wala silang nagawa dahil parehas kaming may BKB.
Habang sinusubkan naming sirain ang level 3 tower nila sa taas. Sunod sunod ang TP dito. Sabi ko na nga ba, sine-save nila yung mga vulture nila para dito sa last minute na basagan.
Naka-apat na vulture. Hindi nagtagal nabasag namin ang level 3 tower nila. Pero biglang nag mega creeps na. ****.
Umilaw ang dalawang barracks nila.
"Hero na ito. Ready." sabi ko.
Nagulat ako ng bigla itong maudlot. Huh?!
"Sapul si Leoric at Nevermore." sabi ni April na gumagamit ng Lina. Marahil na stun niya ang dalawa.
Nagkaroon ng kaunting pagasa. Nag GS si Sven. Nag Mega Creeps din.
Dumiretso siya sa level 4 tower ng kalaban at ako ay nag Travel na pauwi. Diretso din sila sa level 4 tower. Puno ang buhay ni Leoric samantalang ang Puck at Nevermore halos 3/4 ang buhay. Apat kami sa base. Rexxar, Lina, Akasha at ako.
Nilabanan namin sila. Pinana ko si Nevermore. Hindi na ito nagising para makapag BKB. Nag ulti si Puck. Nagkapatayan. Napatay din si Puck pero naka Double Kill si Leoric. Patay si Lina at Rexxar.
Buhay ako, nagregen ako sabay pana kay Leoric. Tinamaan ito. Si Sven tinignan ko sa taas. Isang tower na lang ang binabasag. Halos sabay.
Binanatan namin ni Akasha si Leoric pero nagulat ako ng biglang may nag Requiem sa harap namin. Sunod na alam ko ay patay na kaming dalawa ni Akasha. Talo na yata. Binili pala ni Nevermore, tapos malamang gumamit ito ng Travel.
Dumiretso si Nevermore at Leoric. Tinignan ko ang pera ko 1396. Nagkaroon ulit ng pagasa.
Binili ko ang hero ko. Pumana ako sabay binanatan si Nevermore. Na-negate ko ang stun ni Leoric sa pamamagitan ng Manta. Tatlo ang hero ko at binabanatan ko si Nevermore pero hindi nila ako pinapansin. Basag na ang dalawang level 4 tower namin.
Basag narin ang dalawang tower nila pero napatay ni Puck si Sven. Napatay ko din ang Nevermore.
Binili ni Sven ang hero niya at nilabanan si Leoric. Sunod sunod ang mga TP gamit ang crow.
"Travel ka June."
Gumamit ako ng Boots of Travel sabay pumana. Sapul si Puck. Binanatan ko siya at napatay ko ito. Dumiretso ako sa Frozen Throne. Ito nanaman ang mga Vulture. Nakadalawang Vulture lang sila. Marahil walang mga balang TP ang iba nilang Vulture.
Sa base naman namin ay napatay ni Sven si Leoric ngunit may Resurrection ito. Pinilit ni Sven lumaban pero hindi ito nakapalag dahil wala siyang GS sa mga oras na yun.
Bumabasag ako. Bumabasag din si Leoric. Sabayan, basagan ng Frozen Throne at World Tree.
Ang boring boring ng buhay ko. Simula ng magkaroon ako ng pakiramdam sa nangyayari sa paligid at nalaman ko na isa pala akong nilalang na humihinga nilaan ko na ang lahat sa paglalaro. Simula sa Nintendo, Sega, Playstation 1, Playstation 2, PSP at dito sa desktop kong PC. Actually kakabili ko lang ng Playstation 3 nitong simula ng bakasyon. Laro nanaman.
Sabagay, ang buhay ay parang isang laro. Ewan ko kung sang ayon kayo. Pero para sa akin, life is a game. Kaya nga lang merong konting difference.
Have you ever played a Role Playing Game? Malamang oo, nandito ka nga sa Ragnaboards eh. Ibig sabihin naglalaro or naglaro ka ng Ragnarok. Pero first let's talk about console games. Like, any of the Final Fantasy series for instance. Have you ever finished one? It takes about 50 or more hours to finish such game. Yeah, they’re quite long. One sitting is not enough to be able to finish these games unless you’re such a freakin' game monster.
Good thing, there is this save command that allows you to save your game and be able to turn off your computer or console and be able to load your game and play it again when you want to play and whatsoever. It allows you to rest, do necessary things in your real life and a lot more. Another good thing it offers, now in the game itself, it allows you to redo things that you have done. For example you accidentally encountered an overpowered villain and you got killed, meaning gameover or you missed a certain important item, weapon or armor that gives godly stats. You can just to restart it and load the game and get back where you were. You can now be able to avoid that villain, grab the opportunity of getting the item that gives godly stat and do the victory dance, yey!
In case of Ragnarok, there is no save thingy but you can always create a new character incase boga ang build mo. Kung na hack ka, gawa kang bago, hunt mo yung mga nawalang item. Oha? Balik ka sa dati.
Sa DoTA mas ok, isang oras ka lang magulpi sa laro at maging feeder, next game pwede kang bumawi, mag farm at magpaka-Godlike.
Eh sa totoong buhay? Pwede mo bang ulitin ito? Pwede ka bang bumalik sa isang point ng buhay mo kung sakaling things went out of control? Real life scenarios like may problema family mo, nabasted ka, bagsak ka sa exam, na-expel ka, nanakawan ka at yung mga talagang solid na bagay tulad ng malubhang sakit at death. Sana pwede. Sana meron na lang save sa totoong buhay.
Siguro, merong chance na maayos mo ang mga bagay bagay kahit mangyari sa iyo ang mga ganitong klaseng realidad pero mahirap hindi ba? Hindi tulad sa isang laro, isang pindot mo lang, ayun na. Ok na ang lahat.
Kaya kahit gaano ako kagaling sa kahit anong laro, andun parin yung katotohanan na sa totoong laro ng buhay, walang wala ako kumpara sa mga taong nasa paligid ko. Tulad nitong pinsan ko, dati parang magkalevel lang kami pero ngaun kahit talampakan niya yata hindi ko na matapatan. Ga-graduate siya dito sa Baguio, sa PMA. Baron siya ng batch nila. Oha? Para siyang hari, siya nag co-command sa lahat. Well, kaya ko din mag-command. Stun, Push at kung ano ano pang termino. Yan ang mga alam ko na command.
Tulad nga ng sabi ko, nasa Baguio ako. Reunion ng aming mag-anak para sa paparating na Holy Week at bigay suporta kami dito sa isang kadugo namin na nagbigay dangal sa aming pamilya.
Malamig. Kahit papalapit na ang summer pero ayos lang, kumpara sa lamig na nararamdaman ko sa loob ko, wala itong lamig dito sa Baguio.
Lumabas ako sa rest house namin dahil hindi ako makabagay sa mga usapan duon. Pinaguusapan nila ang mga achievements ng iba ko pang mga pinsan. Ang iba ay dean's lister, varsity at kung ano ano pa. Nung ako ang pinagusapan, puro kalokohan ko lang ang naging topic, tatawatawa lang ako pero ewan ko, parang may parte sa akin na nasasaktan. Dati hindi naman ako nasasaktan, proud na proud pa nga ako pag pinagtatawanan nila ang mga kalokohan ko sa buhay. Pero ewan ko ba. Nitong nakaraan lang parang nagkaroon na ako ng sense sa mga bagay na dapat kong gawin at dapat na ginagawa ko. Si Celina kasi eh.
So andito ako ngaun sa isang hindi ko alam na lugar. Nagsabi lang ako sa taxi na dalahin ako sa isang lugar na buhay sa gabi. Hindi ako nagdala ng sasakyan, natatakot ako dahil feeling ko isang pagkakamali lang sa pagda-drive dito may paglalagyan ka na.
"Ano po sa kanila sir?" tanong sa akin ng isang babae.
"Kahit anong maiinom. Bigyan mo narin ako ng kahit anong mangangata." sagot ko.
"Ok sir." sabi niya sabay alis.
Buti naman ay marunong itong waitress na ito, yung iba kasi hindi makaintindi ng kahit ano. Tanong pa ng tanong eh kahit ano nga.
Lumipas ang oras. Lasing na ako pero panay parin ang inom at panay parin ang lamon. Nakikinig at nanonood sa bandang nagpeperform. Tumitingin tingin ako ng mga magagandang hot na babae. Tingin lang. Kilala niyo naman ako. Masyado akong mabait. Hehe!
Dahil nasa may bandang entrance ako alam ko agad yung mga babae na merong kasama. Sa kasawiang palad, lahat ng babaeng hot meron ngang kasama.
Nakita kong naguusap ang dalawang waiter at yung bouncer. Mukhang something important kaya medyo nakiusyoso ako. Medyo mahina ang kanilang boses at dala narin ng lakas ng tugtog hindi ko marinig masyado.
"Si ma'am papasok ha."
Hmm, ma'am? Siguro yung may ari nitong bar.
Pumasok ang isang babaeng naka-violet na blouse. Siya?! Akalain mo nga naman. Sa dami ng lugar. Dito ko lang pala siya makikita. Hinding hindi ako magkakamali. Siya ito. Siya ang babaeng bumaliktad sa mundo ko. Ilang araw lang kaming nagkasama pero parang ang dami kong ala-ala sa kanya.
Siya ang may ari ng bar kung tama ang aking narinig kanina. Teka? Baliw ba ako? Paano naman mapupunta si Celina dito sa Baguio? At kelan siya nagkaroon ng bar?
Lasing lang ata ako eh? Takte, nahihilo na ako. Hmm. Possible na siya nga pero parang malabo. Isa lang ang paraan para malaman.
Tumayo ako. Bahagyang na-out of balance.
"Celina." mahina kong sabi pero alam ko rinig yun.
Bumagsak ako sa kinatatayuan ko bago ko pa man malaman kung lumingon siya.
Chapter 15
-----
Asan ako? Hmm... Bago ako mawalan ng malay, nasa isang bar ako. Naglasing ako at nawalan ng malay. Ay teka, si Celina pala, parang nakita ko si Celina. Teka... Ayun! Yung ma'am dun sa bar, kamukha niya si Celina.
Nagsimula akong magmasid. Bahagyang sinilip kung sino ang babaeng nakaupo sa driver's seat ng tinulugan kong SUV type na sasakyan. Hindi ko masyadong maaninag dahil nakatalikod siya sa akin. Nakaharap siya sa nakabukas na pinto ng sasakyan. Nagyoyosi.
Sinubukan kong bumangon para alamin ang sitwasyon pero parang gusto ng katawan ko na manatiling nakahiga kaya nanatili na lang ako sa kinalalagyan ko at tumingin na lang sa kisame ng sasakyan. Magsasalita na dapat ako para bigyan ng hudyat ang babaeng nagmamaneho na buhay na ako pero teka. Anong sasabihin ko?
Habang nag-iisip ng magandang panimula ng isang konbersasyon napansin ko ang kanina pang tumutulig na tugtog sa tenga ko. Pamilyar siya kaya lang piano version siya kaya hindi ko maalala kung ano.
"My last night here with you? Maybe yes, maybe no." narinig kong nagsimulang kumanta ang babae.
Syet, si Celina nga siya! Sure ako si Celina talaga siya! Pero alam niyo, hindi ko alam magaling pala kumanta si Celina. Bigla tuloy akong napaisip. Ano pa kaya yung mga hindi ko alam tungkol sa kanya?
"I kind of liked it your way. How you shyly placed your eyes on me.." patuloy ni Celina.
Dapat ko na bang tawagin ang atensyon niya? Parang hindi pa ako handa. Hindi ko kasi alam kung ano itong nararamdaman ko ngaun. Masaya na may halong galit at iba't iba pang emosyon na binibigyang buhay ng kakaunti naming ala-ala ni Celina.
"Oh, did you ever know? That I had mine on you." ngaun naaalala ko na kung ano ang kanta.
"Eyes on me..." mahina kong sabi.
"June, gising ka na pala." sabi niya sabay ngiti.
Marami akong mga nakahandang katanungan sa kanya. Dumating ang puntong ito na nagkita kaming muli pero nanatili akong tahimik, walang kibo at walang kalaban-laban. Isang ngiti lang nakalimutan ko lahat ng hinanakit.
Ginantihan ko na lang din siya ng ngiti kahit hindi ko naman masyadong sigurado kung bakit ko ginawa yun. Minsan ngumingiti tayo kahit wala namang kaugnayan sa kasiyahan ang sitwasyon. Pagnapapahiya tayo, hindi ba madalas napapangiti na lang tayo kesa dibdibin ang pangyayari at lalong magmukhang kahiyahiya? Pag meron kang nagawang mali sa ibang tao, hindi ba ang pagngiti ang sinasama natin sa matamis na sorry para magmukha lalong sincre ang ating paghingi ng tawad? Kapag nalulungkot, hindi ba madalas dinadaan natin ito sa pagsusuot ng maskara para sabihin at ipakitang ok lang ang lahat kahit hindi naman.
Dun na daw ako magpaumaga sa kanila tutal madami naman space sa kanilang bahay. Grabe sobrang laki ng bahay nila dito sa Baguio. Tinanong niya ako kung gusto ko na daw bang magpahinga. Sabi ko sa kanya hindi pa naman. So, niyaya niya akong tumambay muna dun sa favorite spot daw niya dito sa kanilang napakalawak na lot ng kanilang bahay. Meroon doong mga upuan at pwedeng magset ng bonfire.
Tinawag niya ang isang maid para kunin ang stuffs para sa bonfire at nagsimula si Celina i-set ito. Tinulungan ko siya. Nagutos din pala siya sa maid na kumuha at gumawa ng something na mangangata at ma-iinom namin.
"Ayan, hindi ka pa rin ba kikibo dyan. Para sayo lahat ito." ang sabi niya.
"Thanks. Ang cool ng place. May fire tapos ang background ay puro bundok na madaming maliliit na iba't ibang kulay na ilaw na nagmumula sa mga city lights at mga bahay dito sa Baguio. No wonder favorite mo to, perfect yung place. Samahan mo pa ng Celina sa gitna nung picture. Perfect talaga." sabi ko. Grabe, hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun. Pero ewan ko, maybe I just want her to feel na everything's ok na para sa akin.
"Baliw ka talaga." sabi niya habang nakangisi sa akin. Hindi nagtagal ay binalik niya ang tingin sa napakagandang scene.
"Gusto ko lang malaman. Bakit.." hindi niya ako pinatapos magsalita.
"Shh... Mahaba pa ang gabi, it's only 3:30 am. Madami tayong oras para pagusapan yan. Just enjoy the view. Malay mo pagsikat ng araw bukas. Wala na ang lahat..." sabi niya sa medyo malungkot na tono.
Hindi ko siya maintindhan. Ngaun ko lang napag-isipisip na baka may problema siya kaya siya biglang nawala. Kaya bigla niya akong iniwan nung oras na gusto ko ng i-ask sa kanya kung pwedeng maging kami. I had a plan na nga after nung huling gabi namin. Pero bigla siyang nawala.
"What do you mean mawala na ang lahat?" tanong ko.
"Syempre, bukas umaga na. Bobo." sabi niya sabay tawa ng malakas.
"Joke ba yun? Ang korny amf." ang sabi ko na lang.
Bigla niya akong pinagbabato ng kinakain niyang chips habang paulit-ulit na sinasabing "Korny pala ha."
"Pero seryoso, anong mawawala? Tataguan mo ako ulit? Ganun?" seryoso ko ng tanong.
"Well, let's just say na madaming bagay na beyond our control and we can't do anything about it. Sana nga meron eh. I wish I could spend more time with you June. Sana pwede kong sabihin... Sana." sabi niya. Tama siya. May mga bagay na kahit anong gawin natin at kahit gaano tayo magsikap hindi natin makukuha. Pero hindi naman yun ang mahalaga hindi ba? At least sinubukan. At least you did something about it kesa wala ka na lang gawin at antayin mo na lang mawala sayo ang gusto mong makuha o maabot.
"Tell me, baka may magawa ako. Palaging may way. Believe me, we can work things out." sabi ko.
"Gusto ko sanang sabihin sayo pero ayaw kong masaktan ka. Ayaw kong makita kang nahihirapan ka. I doubt matatanggap mo kung malalaman mo yung sikreto ko." sabi niya sabay bahagya siyang yumuko.
"Listen, ayos lang masaktan at mahirapan ako. I've been living my whole life na parang hari. Pasarap... Puro pasarap pero I never found true happiness. I thought masaya ako with the daily and usual things I'm doing pero alam mo at the end of each day pag higa ko sa kama at pag nagsimula akong magmunimuni sa aking madilim na kwarto nararamdaman ko na kulang. Minsan bigla na lang may papatak na tubig mula sa aking mata. Alam ko medyo baduy pero ito ang totoo, nung nakilala kita parang nagkaroon ng spark at glow ang buhay ko. Having you in my life makes everything so special. Nagkaroon ako ng pangarap. Naalala mo nung nakapatong yung head mo sa shoulders ko and we were talking about if ever lilisan ka. That scene was so perfect. It felt so right. You know, that was the first time I saw myself being a father... I saw myself having kids..." sabi ko sabay hawak sa kanyang kamay.
Nagkaroon ng katahimikan. Nakayuko parin siya. Panay ang tulo ng luha niya sa aking kamay. Nararamdaman ko yun. Naririnig ko rin ang medyo paghikbi-hikbi niya. Hindi ko alam kung paano siya papatahanin. Hindi ko na rin alam ang sasabihin na pwede sa ganitong sitwasyon. Nasasaktan siya sa mga magagandang bagay na sinasabi ko. Pero bakit? Nararamdaman ko gusto niya rin ako eh.
"Madami pa akong gusto sabihin pero I'll cut it down, gusto ko ng sabihin sayo yung dapat sinabi ko bago tayo nagkahiwalay. I love you..."
"Shi't.. Shi't.." pabulong nyiang sabi. Humigpit ang hawak niya at lumakas lalo ang paghikbi.
"I'm sorry, June." ang sabi niya. Binitawan niya ang kamay ko at pumasok sa malahiganteng bahay. Nanatili akong nakaupo, tulala sa kawalan. Dahan-dahang tumulo ang aking mga luha.

No comments:
Post a Comment