Friday, September 14, 2012

Dota Love story : SG Rules (Sawing Gamers Rules) Part 6 - part 10

Chapter 6

unang bahagi~

-----

"Ha? Ako? Kasali ako?"

Nandito ako ngaun sa computer shop kung saan naglalaro si Celina at ang kanyang mga kasama nung kinalaban nila kami.

Inimbitahan niya ako maglaro dito para i-try yung bagong version ng DoTA. Pumunta naman ako, tutal malapit lang sa amin yung lugar. Kanina pa kaming 7 pm naglalaro dito, naka tatlong game na kami pero puro pageexperimento lang sa bagong version na 6.50.

"Oo, hindi ba bulong ka ng bulong kanina na gusto mo ng seryosong laro June?"

Hindi naman sa ayaw ko pero... Amf, ayaw na ayaw ko kasi ng mga kalarong maaangas. Maangas yung kakalabanin namin, hindi lang pala maangas, bastos pa.

"Love, call ba sa pusta? Alipin kita buong gabi pag nanalo kami. Pag kayo nanalo, uhm... Wag ng umasa na mananalo kayo."

"Pre, wala namang bastusan." naiinis talaga ako, pero wala akong magawa.

"Sino ba tong pakeelamerong to?" umamba ang lalaki, pero hinarangan siya ng isa sa mga kasama niya.

Umabante ako, hindi ko alam kung saan nanggaling yung tapang ko, alam kong sa isang iglap maaring mapuno ng pasa ang buong katawan ko, lima sila, nagiisa lang ako.

Hinarangan ni Celina ang kamay niya.

"Pag nanalo kami, aalis na kayo."

"Mananalo ba kayo, love?"

"Toss coin na."

Kinuha ko agad ang lucky 25 centavos ko, pinitik ko ito at habang paikot ikot ang barya sa ere, Tails ang pinili ng kalaban . Pagbagsak, Heads ang lumabas, swerte talaga.

"First pick na kayo, sige lang, gusto niyo kayo narin pumili ng hero namin?"

Futang to, ang yabang talaga!

Nagusap kami ni Celina ng sandali, tinanong niya sa akin kung Mirana ba ang first pick. Sabi ko, kung ako ang papapiliin niya Puck ang mas gusto kong first pick. Sinunod naman ito ni Celina. Akasha naman ang pinili ng kalaban.

Puck, Sven, Rexxar, Boush at Razor ang amin at

Akasha, Viper, Raigor, Darkterror at Rigwarl ang sa kalaban.

Lakas mangontra amf, yabang yabang na kami na daw pumili ng hero nila pero talagang pinagisipan nila itatapat nila sa heroes namin.

Kung successful ang early game na ganks namin, malaki chance namin. Pag lumagpas ng 50 mins ang laro at wala pa kaming nababasag na barracks nila, malaki ang possibility na ma talo kami. Medyo kinakabahan ako, hindi ko alam laro nitong mga kasama ko. Bale ang mga kakampi ko, si Celina, tapos yung dalawang lalaking kasama niya nung dumayo sila sa amin at isang hindi ko kilalang lalaki. Nanlalamig talaga ang kamay ko, walang perang nakataya dito pero daig pa ata nito lahat ng nalaro kong pustahan.

Simula palang ng laro, first blood agad ang Boush namin. Grabe, lakas mag deny ng kalaban. Pero ok naman, naka money shot naman ako.

Kasama ko sa top lane si Sven, si Celina. Katapat namin si Darkterror at Viper, wala halos silang magawa sa amin. Sa mid ay si Razor katapat niya si Rigwarl. Tapos sa bottom si Boush at Rexxar katapat nila si Akasha at si Raigor.

Bago ako mag level 5 ay may namatay nanaman sa amin, si Razor.

"Love! Ready na yung kama sa bahay!" narinig kong sumigaw yung gaago. Nakakaasar talaga.

Level 6, na double kill ni Celina yung Darkterror at Viper. Syempre, dahil sa support ko.

"Galing naman ni love, yan ang gusto ko eh, pumapalag."

Taangina, nabibwiset ako, suot ko na nga lang yung Headset para hindi ko na marinig yung boses nung gaagong yun.

Iniwan ko si Celina sa top lane para makapag farm ng kaunti habang wala pa si Viper at Darkterror. Papunta ako sa mid at saktong lumitaw yung rune, Haste. Pinulot ko ito gamit ang aking Bote. Binanat banatan namin ni Razor si Rigwarl at hindi nagtagal ay nag tago ito sa fog para kumain ng puno.

Sumenyas ako na bababa ako ng bottom lane, tumango naman si Boush. Umikot pa ako para lang hindi ako makita sa mga lugar na possible lagyan ng wards.

Ginamit ko ang haste nung malapit na ako at Pinrimal ni Rexxar si Akasha at binato ni Boush at Rexxar ng skills, pulahan na si Akasha at nagblink ito papunta sa kabilang side ng mga puno. Akala niya makakatakas siya. Nag silence ako at pinatay ko siya. Na stun naman ng Fissure si Boush at Rexxar pero hindi din siya nakatakas. Hinabol ko si Raigor at ginamitan ko ng ulti, nakapag Echo Slam pero wala siyang napatay. Tinapos ko din ang buhay niya, naka Double Kill ako.

Saktong nag Killing Spree naman si Celina sa top lane. Ayos, Owning ang Sentinel!

"Salita sir?" ako naman ang nag trashtalk, haha!

"Wag kang maangas, nagsisimula palang."

"Yeah, right."
Chapter 6

kadugtong

-----

"Ano ser?! Wipeout ser. Dobulyu, ai, pi, ih, ow, yu, ti."

Hahaha! Ang sarap mang trashtalk! Bahala sila kung mapikon sila at gulpihin ako, pag ginawa nila yun nangangahulugan lang na talunan talaga sila.

Ganito kasi nangyari, nag front si Sven, Razor at Rexxar. Talagang rekta kami, all out push ika nga kasi. Patay si Raigor at Darkterror, na gangbang kasi namin silang dalawa dahil pakalatkalat sila sa river, all thanks sa ibon ni Rexxar.

Una ayaw kumagat ng mga kalaban. Dalawang Vulture na ang nag TP pero tuloy parin kami sa pag bastos sa level 3 tower nila kaya napilitan sila.

Tumalon si Darkterror at gumamit ng Chrono. Nag buyback pala ito. Na focus fire si Razor dahil siya ang sumabit sa may bandang side ng Chrono, nagbigay daan para mabanatan siya ng Rigwarl. Nagmadali kami ni Boush pumunta sa lugar para umalalay at mag disable. Saktong pagdating namin ay nag wave si Akasha, medyo masakit. Ni-Euls ko agad yung Darkterror at gumamit ng ulti para ma delay ang ginagawa nilang pag banat sa mga walang magawang kakampi namin.

Natapos ang duration ng Chrono at nakababa sa ere si Darkterror. Nag Primal si Rexxar, tinarget niya si Darkterror, hinahabol kasi ni Darkterror si Razor pero hindi parin nakatakas si Razor, binabanatan din kasi siya ni Rigwarl. Finocus fire namin si Darkterror, tinapos ko siya gamit ang aking Dagon.

Sinunod namin yung Viper, actually sa point lang na yun naisip ko na kasali pala si Viper sa clash. Haha! Ako din nakapatay sa Viper, ang sarap sumawsaw! I mean mag last hit, kasi may effort din naman ako sa pag banat sa kanya eh.

Binabanatan na namin ang Akasha, nag Blink ito palayo, hahabulin sana namin pero bigla nalang nabasa ko na Wicked Sick, namatay si Boush. Ginalaw ko ang mouse papunta sa likod ng heroes namin, may nakita akong maliit na hayop na naglalakad, naka Hex. Sa Radiance ni Rigwarl namatay si Boush.

Si Rigwarl nga pala, nawala sa isip ko si Rigwarl pero tama lang ang nangyari, i-huli si Rigwarl. Agad kaming nagpunta kay Rigwarl, Pinurge ko ito gamit ang Diffusal ko at sinimulan naming i-Focus fire. Grabe... SOBRANG KUNAT!

Mga sampung segundo na ata naming binabanatan si Rigwarl ng biglang naaninag ko si Raigor, sumigaw ako kaya saktong pag blink nito at Echo slam ay nakapag Phase Shift ako at nag Black King Bar-God Strength naman si Sven, si Rexxar lang ang sumalo ng lahat. Dumating si Akasha, tinapos ang buhay ni Rexxar. Kami nalang ni Celina ang naiwan, pero lamang na lamang kami sa puntong yun. Ang galing ni Celina, sinave niya ang Black King Bar at God Strength. Halimaw na si Sven, naka Black King Bar, Heart of Tarasque at Hyperstone na ito.

Na Guinsoo ako bigla, isusunod dapat nila ako pero nailang sila dahil nangibabaw ang damage ng naka God Strength na Sven kaya hindi nila naisagawa ang pagpatay sa akin. Napatay narin kasi ni Sven si Rigwarl. Nag silence ako, tinamaan si Akasha at Raigor. Pinurge ko ang Akasha at saktong nandun na si Boush, binili nito ang hero niya at nag Boots of Travel papunta sa amin. Kinatay ni Sven si Akasha at si kawawang Raigor.

Dineretso namin ang gitna nila. Sabay backdoor sa ilalim.

"Ito na pala yung base nila?"

Haha! Sarap talaga mangtrashtalk lalo pag ganito, sure win na eh. Sabog na yung mid nila, warak isang barracks sa baba. Oha?! Ayaw pang sumuko ng mga ungas. Siguro nahihiyang magsalita na, gg na po, dahil talagang pinalamon ko sila ng mga kayabangan nila.

Natapos ang laro, backdoor buyback backdoor buyback lang ang ginawa namin hanggang ma mega creeps namin sila. Ay oo nga pala, sumubok pa pala sila mang backdoor, si Rigwarl at Darkterror pero wala silang nagawa. Ang tower namin plus apat na Crow plus Razor na naka Stygian Desolator-Butterfly plus Boush na nag peperma-Hex. Kahit si Rigwarl hindi kinaya ang umaapaw na damage ni Razor.

Nakakalungkot lang dahil nahagip ako ng Echo slam at Shockwave bago matapos, namatay ako. Haha!

Hindi na ako nag trashtalk nung natapos ang laro. Tumakbo agad ako sa CR, hindi para umihi. Nagtago ako sa CR, nagstay ako dun ng mga ilang minuto. Medyo nabaading ako. Hehe!

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng CR. Mukhang wala na. Lumabas ako.

Nakita kong parang nagkukumpulan ang tatlo naming kakamping lalaki kanina. Tinangka kong tanawin. Nakapalibot pala sila kay Celina na nakaupo parin sa pwesto niya kanina nung naglalaro kami.

"Ayan na pala yung Puck kanina."

"Tol, kaw na bahala kay Celina ha, mauuna na kami. Hinahanap na kami sa bahay eh."

Tinignan ko si Celina, nakapatong ang ulo niya sa lap niya, umiiyak. Hmm. Hindi ko man maintindhan kung ano ang nangyayari, tumango nalang ako. Umalis ang tatlong lalaki.

Umupo ako sa tabi ni Celina, kinalabit ko siya at inabutan ng panyo. Nanatili akong tahimik sa tabi niya, nagaantay ng pagkakataon para makausap siya.

"Ce.. Celina... Anong nangyari? Anong ginawa sayo nung bastos na lalaki? Ano mo ba yun?"

Bigla tuloy akong nakunsensya. Nag CR pa kasi ako, nabaading amf. Kung nandito ako kanina, baka iba ang nangyari. Oo, baka na sapok ako pero maaari sigurong hindi umiiyak si Celina ngaun.

Hmm... Sino nga ba yung lalaking yun?

"Ex ko."

unang bahagi ng ikapitong tsapter

-----

Isang gabi... Malamig na gabi...

Isang lalaking walang landas ang buhay at isang babae na problemado. Nagkasama sa isang bahay at nagiinuman. Nagtatawanan, nagpapalitan ng mga pangarap at nagkekwentuhan tungkol sa buhay.

"Baka ma tsismis ka ng mga kapitbahay niyo, nagdadala ka ng lalaki dito sa bahay mo nagbakasyon ang tita mo."

"Hayaan mo sila. Maglaway nalang sila sa ingget."

Lasing na yata ito. Kung ano ano na sinasabi. Naku, buti nalang ako ang kasama niya. Isang lalaking napaka desente at hindi manyak.

"Bakit nga pala Engineering ang course mo?"

Mahilig sa computer games, magaling mag DoTA tapos Civil Engineering ang kurso. Yung kotse pa niya, pang astig ang dating hindi yung tipong pa sweetie-sweetie, cutie-cutie na tipo. Kung pumorma pa parang gusto niya lahat ng tao mapapansin siya. Kakaiba talaga. Weirdo.

"Wala lang, kailangan bang may dahilan yun?"

"Oo naman, may dahilan lahat ng bagay noh."

Totoo naman hindi ba? Lahat ng bagay may dahilan.

"O sige, sabihin nalang natin na gusto ko kasi ng na cha-challenge. Gusto ko din kasi na natatandaan ako ng mga tao sa mga ginagawa ko. Mula sa pananamit hanggang sa estado sa buhay at kahit sa mga computer games, sa DoTA. Basta, sumasaya kasi ako sa mga ganun eh."

Masyado siyang general sumagot ganun pa man napuna ko na malalim pala siyang tao. HOY! Mga manyak, hindi literal na malalim ha.

"Eh ikaw? Ano nga bang course mo, wala ka pang sinasabi sa akin. At bakit yun?"

"PT..."

Bigla siyang humalakhak. Amf? Bakit ba sa tuwing sasabihin ko ang course ko natatawa yung mga tao? Eh yun yung madali eh.

"Bwiset, ang sakit ng tiyan ko dun! Gaago ka! Seryoso ka talaga? Physical Therapist?"

"Mukha ba akong nagloloko."

"Pinapatawa mo lang ako para mag mukha kang cool."

"Gusto mo sample?"

"Ng?"

"Masahe."
Chapter 7

-----

"Cool, nakaka relax!"

Parang nangloloko yung tono niya pero bakas sa mukha niya ang pagkabilib. Sa totoo lang, pati ako nabibilib sa sarili ko. Feeling ko tamang tama yung ginagawa ko. Wala naman kasi talaga akong interes sa pagmamasahe. Kumuha ako ng PT dahil akala ko puro masahe masahe lang at wala masyadong pagaaralan. Mahirap din pala, lalo pag wala kang interes, double ang paghihirap.

"Gusto mo Erotic Massage?"

"Marunong ka ng ganun?"

"Hehe! Joke lang. Baka ma arouse ka pa."

"Sayo? Hindi na noh."

Ang kulit namin. Mahigit isang araw palang kaming magkakilala pero parang sobrang malapit na kami sa isa't isa. Ito na ba yung LOVE? Ahahahaha!

"O, sige na, tama na yang pananansing mo sa akin. Inom na ulit tayo."

"Anong chancing? Abnormal ka ba. Kamay mo lang naman yung minasahe ko ah."

Tinigil na namin ang munting masahe session. Nagbukas ako ng panibagong pulang kabayo. Medyo madamidami naring lata ng pulang kabayo ang nakakalat at wala na itong mga laman pero parang unlimited yung stock ng alak dito sa bahay na ito. Lasinggera yata to si Celina eh.

"Huy, thanks ha."

"Saan?"

Kunwaring hindi ko alam. Hehe! Sa totoo, gusto ko lang marinig. Marinig mismo yung eksaktong dahilan kung bakit siya nagpapasalamat.

"Sa pag accompany sa akin." sagot niya sabay ngiti.

"Wala yun."

Matagal kaming nakatitig sa isa't isa, walang umiimik, walang nagsasalita pero tila sa bawat patak ng segundo ay parang isang daang katanungan tungkol sa kanya ang aking nasagot. Para kaming nasa isang baduy na eksena sa pelikula.

Dahan-dahang nagkalapit ang aming mga mukha. Dala ng alak at dala ng naghalohalong emosyon, hinawakan ko ang kanyang mukha, ang kanyang pisngi. Nagdikit ang aming mga labi. Sa mga sandaling yun, hindi ko maalala kung ano ang eksaktong naramdaman ko.

Nagtuloy tuloy ito, painit ng painit. Alam ko malaking bahagi sa akin ang nagsasabing ituloy ito pero...

"Tingin ko mali ito..."

Lasing siya, yung alak marahil ang nagtulak sa kanya para magpaubayang halikan ang isang lalaking mahigit isang araw pa lang niyang kilala.

"I'm sorry..." sabi niya sabay dahan dahang yumuko.

"No, ako ang may kasalanan. Sorry."

Nanatili siyang nakayuko. Hindi nagsasalita. Marahil nahihiya. Kausapin ko nalang siya na parang walang nangyari.

Kinalabit ko siya sa may balikat.

"May ka date ka na sa 14?"

"Maraming nagaalok pero hindi pa ako nakapag desisyon."

"Ako kasi wala pa eh. Gusto ko sanang... Ikaw."

"Saan naman tayo kung sakali? Sa DoTAhan? Haha!"

Ayun, tumawa na ulit siya!

"Bahala na."

"Pagisipan ko pa, baka kasi pag ikaw naka date ko bigla ka nanamang manghalik eh. Baka kung ano ng mangyari."

"Sorry talaga..."

Tumawa lang siya.

"Siguro dapat umuwi na ako, baka pag nagtagal pa ako dito hindi na ako makapagpigil sayo eh."

"Gaago ka talaga."

Kung nanatili pa talaga yung kanina ng ilan pang minuto ay baka nasa kalangitan na ako ngaun. May halong panghihinayang pero masaya narin ako dahil hindi natuloy ang hindi dapat. May mas matimbang pa sa ligayang dala ng kamunduhan.

Gusto ko na si Celina.

"Goodnight."

Hinatid niya ako sa may gate. Hindi ko alam kung paano makakauwi dahil wala na akong makitang mga sasakyan pero bahala na. Naglakad ako palayo ng bahay ni Celina, nakangiti abot tenga.

Bahay, eskwelahan at Celina. Yan ang mundo ko ngaun. Nawala yung DoTA.

Actually hindi siya nawala, tuwing gabi, 6 pm hanggang 10 pm ay naglalaro ako sa computer shop kung saan si Celina naglalaro. Hindi lang ito basta DoTA dahil sub category nalang yung DoTA dun sa napakalawak na parte ng buhay ko na CELINA. Mag-iisang linggo palang kami magkakilala pero kakaiba... Iba talaga.

Hindi na ako naglalaro sa mga DoTAhan sa eskwelahan, kanina nga may pustahan daw pero sabi ko busy ako. Well, kaya naman ng mga ka-team ko kahit wala ako eh. Tsaka, opportunity narin yun para dun sa mga tropa namin na talagang todo suporta palagi sa amin pag naglalaro kami. Baka hindi lang namin nakikita mga talent nila, baka kasing effective ko sila na point guard o baka mas magaling pa.

Tumingin ako sa orasan, eksaktong alas dose na pala. February 14 na pero hindi parin nakakapag desisyon si Celina kung mag de-date ba kami. Ano kayang dahilan?

Kanina pa akong paikot ikot dito sa higaan ko, hindi ako makatulog. Pananabik ba ito?

Wala akong magawa, gusto ko ng matulog pero buhay na buhay ang diwa ko. Ayaw ko ng mag bukas ng computer kasi kailangan makatulog ako ng mahaba para fresh na fresh ako bukas sa date namin ni Celina at hindi ako mukhang adik na hindi pa natutulog.

Naglalakad ako sa river, papunta ako sa rune na nakita ko sa pamamagitan ng wards. Nilagay ko ang rune na Haste sa loob ng Bote ko.

Babalik na sana ako sa bottom lane kaso lang ay nakita kong papunta sa direksyon ko si Crixalis at Nevermore, nakita yata nila ako dahil may wards din sila.

Tatakbo na sana ako sa pamamagitan ng Haste ko dahil wala akong kasama sa pwestong yun dahil wala akong Resurrection at umuwi ang kakampi kong Akasha na kasakasama ko sa bottom lane kanina pero narinig ko Si Lina na nag signal. Almost malapit na sa lugar ko Si Lina ng tinamaan ako ng Burrow Strike ni Crixalis mula sa fog. Muntik ng matapos ang buhay ko dahil sa Shadowraze pero dahil sa Storm Bolt at Haste ay nagawa kong makaligtas sa pangalawang Shadowraze. Saktong dumating Si Lina at ginamitan niya ng stun ang dalawang halimaw na humahabol sa akin.

Si Lina ay tinapos na ang buhay ni Nevermore gamit ang kanyang Laguna Blade habang ako ay lumalaklak ng Bote naghahanda para magpaka greedy para patayin ang pangahas na Crixalis.

Nag Storm Bolt ako at nag follow up stun Si Lina, dumating ang kasama naming si Akasha at ginamitan ito ng Scream of Pain. Patay ito.

Bigla ba namang may tumama na Illusory Orb sa aming tatlo. Si Puck balak yatang mag back up kaso wala ng ba-backupan.

Patakbo na ako sa pinagmulan ng Illusory Orb habang lumalaklak ng huling laman ng Bote ko. Si Akasha ay nauna na sa pamamagitan ng Blink at nag Shadow Strike ito. Na slow si puck, nagbigay daan para Si Lina at ako ay mahabol siya. Gumamit ako ng Storm Bolt, na Phase Shift ito pero hindi din siya nakatagal. Namatay din siya. Nagbalikan kami sa mga lanes namin.

Yun ang huling clash na sinalihan ko, buhat sa puntong yun ay nagpa macho nalang ako ng nagpa macho, naghanda ako para sa Future para sa late game.

Kahit i-Hunt nila ako ay hindi nila magawang hadlangan ang aking pagpapalakas, meron kasi akong Resurrection.

Halos ready na ang lahat. Ready na ang items ko. Naka Radiance, Heart of Tarasque, Hyperstone at Diffusal Blade - Vitality Booster na ako, scroll na lang ng Manta Style, pwede na kaming mag push.

Pabalik ako ng base ng biglang ma gangbang si Luna at Raigor. Si Akasha muntik na ring mamatay pero nakapag Blink ito at nakapag tago sa blindspot para makapag Town Portal.

Mag pupush ang kalaban. Kaya sana naming i-def kaya lang biglang nawala Si Lina.

has left the game. Daw...

Parang nagunaw ang mundo ko, pakiramdam ko sayang lahat ng pagpapamacho ko at pagpapalakas ko. Matatalo din pala.

Bawal i-control ang nag left sa laro. Tsaka kahit naman pwedeng i-control, I don't think merong capable sa mga kakampi ko na maging Si Lina.

Nag stay nalang ako sa may malapit sa fountain. Hinayaan kong wasakin ng kalaban ang base namin. Hinayaan kong wasakin nila ang aming Puno ng Mundo.

Boom...

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" sumigaw ako.

Bigla akong nagising. Amf, ano ba yun? Parang tumalbog ang puso ko dun sa panaginip ko. Ano ba yung panaginip ko? DoTA? DoTA nga lang ba? Parang bangungot eh?

Unti unti kong inaalala pero habang inaalala ko lalo ko itong nakakalimutan.

Tumingin ako sa orasan, 6 am. Ang aga ko na magising ngaun noh? Iba kasi pag may inspirasyon. Haha! Kinuha ko ang twalya ko naglakad papunta sa C.R. Saktong papasok na ako sa C.R. ng narinig ko ang pag vibrate ng fone ko na nakapatong sa kahoy kong desk.

I bet isa sa mga nakakairitang morning na group message ito.

12 new messages

Amf... Puro GM nga. Ay teka...

Ayun! Kay Celina!

From: Celina

Pick me up sa house ng 6pm

"WOHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!"

Pasayaw sayaw akong pumasok sa banyo
Chapter 9

-----

"Ma, thanks talaga!"

"Ayaw mo pa kasing seryosohin pag-aaral mo para magamit mo na palagi yang kotse."

Akin naman kasi talaga yung Vios. Binawi lang ito sa akin simula ng mag bulakbol ako sa pag-aaral. Nahihiramhiram ko minsan pero dahil hindi pa rin ako nagtitino, hiram lang ulit ito.

"I can't promise anything pero... ah basta"

Sana madaling gawin ma. Madaling ituwid lahat ng mali sa buhay ko. Sa totoo lang hindi ko naman siya tinatanggap na mali, na negative. Hindi naman kasi ako emo para dramahan ang lahat ng bagay. Ang stupid nung sasabihin mo nag pepretend ka lang na masaya pag may nangyaring masaya sa buhay mo. Hindi dahilan yung sobrang daming kalungkutan yung napagdaanan mo para hindi ka maging masaya. Kung tutuusin masaya namang masaktan. Just imagine a life without suffering and pain. Ang korny nun. Kung baga sa DoTA, hindi ka lalaban sa mga taong noobs dahil wala ka namang mapapala kung maka 40-0 ka dahil ng hindi ka nahihirapan.

"Sige na, baka ma late ka na."

Amf, 10 mins na lang. Ayaw kong ma late. Ayawwww!

"Tao po?"

Nandito na ako sa harap ng bahay ni Celina, ok naman 6:02 pa lang sa relo ko. Kaso late parin... Kung sa DoTA ma huli ka ng 2 minutes, siguradong yari ka sa mga kakampi mo. Madaming pwedeng mangyari sa dalawang minuto sa DoTA.

Nakita kong may sumilip sa may bintana sa taas. Naka pulang robe lang.

"Pasok ka muna. Sandali na lang to."

30 mins na ako dito. May pagka pasaway talaga tong si Celina, ayos sa sandali, amf.

Bago pa mainip ay pinagala ko na lang ang aking paningin sa bahay ni Celina, nagmasidmasid. Natigilan ako ng makita ko ang eksaktong pwesto kung saan kami nakaupo ni Celina nung nag inuman kami. Tila nag flashback sa akin ang mga nangyari. Kinilig ako, meron pala talagang ganun. Akala ko kalokohan lang yung sa mga pelikula na parang nanginginignginig, nakangiti abot hanggang tenga at nakatirik ang mata. Totoo pala yung ganun, tumatayo lahat ng balahibo mo at parang may kumikiliti sa parteng taas ng pwet mo. Haha! Akala ko nangyayari lang yun pagkatapos umihi eh.

"Huy! Parang tanga to, nakangiti habang tulala."

Hindi ko napansin, bumaba na pala siya. Masyado akong nadala ng aking imahinasyon.

"Nag re-reminisce lang. Hehe! So ano? Let's go?"

Nagpunta kami sa may sasakyan ko. Binuksan ko ang pinto para sa kanya at saka ako bumalik sa kabilang side para sumakay na rin.

"Sa sabado pa black valentines' ah?"

Wala akong masabi. Pinansin ko na lang ang suot niya. Haha!

Sobrang ganda ng ka date ko. Sobrang catchy pa ng suot. She was wearing a dark brown blouse top complemented by a black patent belt and a black skirt. Parehas revealing pero hindi naman mukhang malaswa. Feeling ko mahal yung damit.

"Paki mo ba? Ikaw nga eh napaka common, naka red."

Aw, parang na perma stun ako dun ah. Ang tagal kong hindi nakapagsalita.

"Sakit nito magsalita. Tsaka, hindi naman red to, maroon kaya."

Natawa siya bigla.

"Haha! Ganun ba kalayo difference nun para yan ang i-dahilan mo. Well, don't worry, you look good naman eh, lamang ka ng konti sa mga ibang naka red, ok na yun."

"Compliment ba yun?"

"Ayaw mo?"

We arrived at 7:10 sa Mall of Asia. Kainan na kaagad! Gutom na ako eh! Hindi ko na siya tatanungin, alam ko gutom na rin siya.

"Gusto mo sa Azul? Ang cool ng dating nung place tapos Filipino-Spanish Cuisine pa daw." sabi ko.

"Wag dyan please. Nakakatrauma dyan eh."

"Bakit naman?"

"Basta ayaw ko ng pagkain dyan."

"Hmm... Nakakain ka na sa Gerry's Grill?"

"Hindi pa eh."

"Dun tayo."

So we ended up eating sa Gerry's Grill. Astig talaga dito, maaliwasa na maaliwalas, malinis, native ang dating at ayun basically cute ang place.

Blue Marlin Bely, Lumpiang Shanghai (Gerry's version), Baked Mussels, Seafood Sinigang, Pork BBQ, Bottomless Iced Tea/Fresh Buko, Plain Rice ayan ang nilamon namin.

Ang tahimik nung kumakain kami. Akala mo nagdadasal, moment of silence eh. Talgang walang pakeelamanan. Masarap kasi talaga yung pagkain.

"Order pa."

"Kuha mo pa akong Pork BBQ."

Malakas kumain si Celina, sa unang tingin mo sa kanya para siyang may mine-maintain na figure, yung tipong ganito lang ang kakainin ko, hindi ako kakain ng matamis and stuffs. Siguro mabilis lang talaga metabolism niya.

Inabot ng 1400 pesos ang bill namin. Medyo madugo, haha! Since pwede namang mag credit card, nag credit card nalang ako.

Nagpasya kaming manuod ng sine. Ano kayang magandang panuurin?

"Hmm, ano papanuurin natin?" tanong ko.

"My Bestfriend's Girlfriend."

"Hala, ang baduy! Jumper nalang, hindi ko pa napanood yun eh."

"Sige dun ka sa Jumper dun ako sa My Bestfriend's Girlfriend."

I guess wala akong choice. I bought 2 tickets para sa My Bestfriend's Girlfriend. Nakakahiya bumili ng ticket, halos mangliit ako nung sinabi ko kung anong number ng panonoorin namin. Nag proceed kami sa bilihan ng snacks. Bumili ako ng tig isang Coke at tig isang Pop Corn. Since alam ko na na malakas din siyang kumain, mahirap kung mag se-share kami.

Nag antay kami ng sandali at hindi nagtagal ay pumasok na kami sa loob.

Nung mag desisyon akong sumama sa kanyang manuod plano ko matulog na lang sa sinehan pero hindi yun ang nangyari. Meron akong dalawang rason. Una, masyado akong nadala duon sa mga nakakatawang scenes, mababaw lang naman kasi ang kaligayahan ko. Pangalwa, dinadama ko yung scene namin. May shinoshoot na movie sa loob ng sinehan. May sinusulat na kwento sa loob ng sinehan.

Natapos ang palabas, ok naman siya, hindi ako masyadong na-impress sa kwento pero sobrang natuwa ako sa mga scenes. Maganda din ang tambalan. Parehas si Marian at Richard na gustong gusto ng mga tao. Sinisigawan sila ng mga tao kahit na medyo baduy yung romantic scene, may dating kasi sila.

"Ang tahimik mo ah, pagod ka na?" tanong ko.

"Hindi pa naman."

"Tara Bluewave tayo."

Dumiretso kami sa may pinagparkingan ng sasakyan ko. Hindi siya nagsasalita nung naglalakad kami, pakiramdam ko may mali.

Binukas ko para sa kanya ang pinto ng sasakyan sa kanan. Tinitignan ko siya, parang namumutla siya.

"Are you sure ok ka lang? Gusto mo hatid na kita?"

"Ok la..." hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang nawalan ng malay at bumagsak papunta sa direksyon ko.

Buti mabilis ang reflexes ko at nasalo ko siya.

Inupo ko siya sa loob ng aking sasakyan at agad din akong sumakay.

Sa ospital na yata matutuloy ang date namin. Amf? Ano kayang nangyari dito? 

Chapter 10

-----

Ano kayang nangyari dun? Hindi kaya may sakit siya? Malubhang sakit? Ano to? A Walk to Remember? Naku wag naman. Hindi naman ito isang nakakaiyak na pelikula, hindi rin ito isang madramang kwento at lalong hindi ito isang malungkot na istorya. Korny naman kung ganun hindi ba? Kung hindi kami magkakatuluyan ng dahil sa isang malubhang karamdaman. Teka ano ba itong pinagiiisip ko. Amf!

“Ok na yung girlfriend mo, hijo. Siguro mas makakabuti kung ihatid mo na siya sa kanila. Kailangan na niya ng pahinga pero don’t worry nahilo lang siya.”

“Ay, hindi ko po siya girlfriend. Anyway, salamat po, doktora.”

Nakita kong papalapit sa akin si Celina.

“Tara na abnormal.”

Naglakad kami papunta dun sa kung saan magbabayad. I-lalabas ko na sana yung wallet ko ng sabihin niyang siya na daw magbabayad at sa labas ko nalang daw siya antayin. Hindi na ako nagtanong. Lumabas na lang ako at nagantay.

“Ok ka na?” tanong ko sa kanya sabay pihit ng susi para mag start ang sasakyan.

“Oo naman. Yihee! Nag-alala siya.” makulit niyang sagot sabay sundot sa aking tagiliran.

Gago amf!

“Actually habang wala kang malay pinagiisipan ko kung sa ospital kita dadalhin o sa motel.” pabiro kong sabi sabay ngisi.

“Ganun? Haha! Ang babaw mo naman kung gagawin mo yun ng walang akong malay.”

“Eh ngaun gising ka na.”

“Asa sir.”

Nagpasya akong ihatid na siya. Yun ang sabi nung doktora eh. Tsaka naisip ko rin na baka mamaya bigla nanaman ulit itong mahilo kung itutuloy pa naming ang date namin.

“Uwi na?”

“Oo, mamaya bigla ka nanamang mawalan ng malay eh.”

“Inom na lang tayo ulit.”

“Hindi kaya makasama sayo yun? Hmm... Pero bahala ka. Basta ihahatid na muna kita para kung sakaling mahilo ka ulit walang problema kasi nasa bahay ka na.”

“Ok.”

Mukha namang ok na siya pero syempre mahirap na. Mas ok na yung nasa bahay siya. Ang problema walang magaalaga sa kanya sa bahay niya. Wala parin yung tita niya. San ba nagbakasyon yun?

“Hala, nawawala yung susi.”

“Wa?”

Hindi ko alam ang sasabihin, napa Wa nalang ako.

“Ay nasa coin purse ko pala. Hehe!”

Pumasok kami sa loob. Dirediretso siya papunta sa may kusina at ako naman ay naupo sa may sofa.

Kinuha ko ang fone ko at saka nag text kay mommy na hindi ako makakauwi. Sigurado akong tatawag yun kaya naman matapos makapag send ay pinatay ko agad ang aking fone para wala ng masabi ang aking inay. Well, ang mahalaga naman ay nagpaalam ako.

“Game!”

Parang DoTA lang ah? Haha! Parang wala lang yung pagkahilo niya kanina. Buhay na buhay na ulit si Celina. Pakiramdam ko hindi ako makakapasok bukas. Mukhang hindi ako pauuwiin ni Celina.

Sana palaging ganito. Palagi kaming magkasama ni Celina. Mapa DoTA, date, panunuod ng sine paggagala, pagkekwentuhan, inuman, kainan, kulitan at kahit ano pa masaya ako pag kasama ko siya. Noon ayaw kong buksan ang sarili ko para sa mga ganitong bagay dahil takot ako. Takot akong maiwanan at masaktan.

Ngaun unti unti na akong nahuhulog kay Celina. Hindi ako natatakot. Wala akong pakeelam sa posibilidad na baka pagdating ng araw masaktan ako. Ang mahalaga sa akin ay nasa tabi ko siya ngaun, masaya ako at napapasaya ko siya.
Kadugtong ng Chapter 10

-----

"Paano kung sabihin ko sayo na bukas bago sumikat ang araw ang flight ko. Papaalis ng bansa... Susunod na ako sa parents ko... Pupunta sa malayong lugar... Sa ibang bansa..."

"Edi, shu!" sabi ko sabay peace sign.

"Sira ulo! Ga'go!" pasigaw niyang sagot sabay binatukan ako.

"Hehe! Biru lang. Well, syempre malulungkot."

Matagal tahimik.

Narinig kong nagbukas si Celina ng pulang kabayo at sunod dito ay naramdaman ko na may mabigat na bagay na pumatong sa braso ko. Ulo ni Celina.

"Parte ka na kasi ng buhay ko." binasag ko ang katahimikan.

Tulad ng madalas kong sabihin, ilang araw pa lang kami magkakilala pero talagang napalapit ako sa kanya. Ngaun, nagtanong siya na kung paano kung aalis siya. Alam ko isa lang yung random question pero parang kakaiba yung naramdaman ko dun sa tanong niya, ewan ko. Hmm, paano kung sakaling ganoon nga? Pagkatapos ng ilang araw na sobrang saya bigla na lang siyang lilisan?

"Gagawa ka ba ng paraan para hindi ako umalis?"

"Ang kapal ko naman kung eeksena pa ko."

"Makapal naman talaga mukha mo eh."

"Hmm, kung desisyon mo talagang umalis hindi na siguro ako makekeealam pero kung napipilitan ka lang dahil sa mga iba't ibang factors... I'll find a way to help you out." sabi ko sabay ngiti.

"Kung meron lang." bulong niya.

"Ha?"

Hindi ko alam ang sasabihin eh. Hindi ko kasi maintindhan ang huli niyang sinabi. Ang labo eh. Kayo? Naintindhan niyo ba?

"Wala."

Nagkaroon nanaman ng katahimikan.

"Ga'go ka June... Ga'go ka talaga. Ga'go. Ga'go. Ga'go"

"Ha? Bakit nanaman?"

Talagang sabog to si Celina ngaun. Baka lasing na? Ganito siguro siya pag lasing kung ano ano sinasabi. Siguro may mali. Feeling ko may mali. Hindi bastang kalasingan ang nagtutulak kay Celina upang magsalita ng ganito.

Habang nagiisip at nagmumunimuni. Napansin kong nakatitig pala si Celina sa akin. Medyo nailang tuloy ako. Bago pa man tuluyan akong mailang nagsalita si Celina.

"Won't you kiss me?"

Tanga lang siguro ang tatanggi. 

No comments:

Post a Comment