Friday, September 14, 2012

Dota Love story : SG Rules (Sawing Gamers Rules) Part 16 - part 20

Chapter 16

-----

Bakasyon pero heto may pasok. Ay wala pala. Hindi pala ako pumasok ngaun. Haha! Sipag noh? Well, ngaun lang naman. May tournament kasi ngaun.

Tournament? Tournament ng DoTA syempre. Ano pa nga ba! Kasama ko na ulit palagi sila Louie, Vince, Philip at Ken. Ok na kami ng aking mga tropa. Simula nung magkaayos kami nung enrollment para sa summer naglalaro-laro na ulit kaming magkakasama. Ngaun heto, inimbitahan kasi ako nila Patrick at Maico para sumali sa tournament na gaganapin dito sa shop nila.

Shop kung saan madalas ako dati nung pinopormahan ko pa ang babaeng binasted ako. Hehe!

Sigurado ako merong malalim na dahilan kung bakit hindi pwede. Hindi naman sa nagfe-feeling ako pero tingin ko naman gusto niya ring sabihin na mahal niya ako nung mga oras na yun kaya nga lang merong pumipigil sa kanya. Kung ano man yung dahilan na yun hindi ko parin alam. Sana man lang sinabi niya noh? O siya, baka ma-iyak nanaman ako. DoTA muna ngaun. Mamayang gabi pa ang drama session ko para sa pagka-SAWI ko kay Celina.

"Yes, makakabawi narin!" sabi ni Louie.

"Paano tayo babawi, kakampi na ulit natin yung chambalerong tumalo sa atin sa semi-finals." ang sabi naman ni Vince.

"Anong chamba, kita mo ngang 30 mins lang yung finals." pagmamayabang ko.

"Sobrang bak'la kasi nung Zeus dun sa finals eh." singit naman ni Philip.

"Alam ko bitter kayo. Pasensya na talaga ha? Wala ng bawi mga pre. Mwahaha!"

Panalo kami sa kanila sa semi-finals. Sa finals panalo rin kami. Medyo naging madali yung finals dahil tatlo carry hero ng kalaban. Sabi ng mga nakalaro nila bago yung finals solid daw sila mag build up ng mga carry hero. Magaling silang mag maintain ng laro hanggang sa maging monster ang tatlong carry hero nila.

Inutakan namin sila. Since late game ang laro nila. Pinili nilang i-ban si Anubarak, Rexxar at Treant. Sa amin agad pabor. Tapos ang pinili naman naming i-ban ay si Raigor, Rigwarl at Crixalis.

Sila ang first pick, Leoric ang una nilang pick, Zeus at Puck sa amin. Nung matapos ang pilian mga hero ang naging lineup nila ay Leoric, Sven, Nessaj, Lina at Magnus. Ang amin ay Zeus, Puck, Leshrac, Ezalor at Demnok. Hindi na ako magke-kwento, isipin niyo na lang kung paano namin natapos ng 30 minutes ang laro. Haha!

"Pre! Nagtext si Ken, hindi daw siya makakapunta. May emergency daw." ang sabi ni Vince.

"Paano yan magsisimula na registration?" tanong ko.

"Wala ka bang kakilala dito June? Try mo namang magtanong tanong sa mga kakilala mo." sabi ni Louie.

"Malamang kasali din sila eh pero try ko ok? Text mo narin ang ibang mga DoTA boys sa shop natin." ang sabi ko.

Nag-ikot ako. Hinanap ko sila Patrick at ang iba pa. Nagbabakasakling may mahanap na 5th member. Dati sila ang kulang. Ngaung ang team ko naman ang kulang sana matulungan nila ako.

Hindi nagtagal ay nakita ko sila Patrick. Medyo madami sila. Ayos ito! Kahit butaw butaw maglaro basta may 5th member kami. Kaya naman naming dalahin eh. Nag-improve sobra yung mga ka-team ko simula nung talunin namin sila last tourney.

"Ay tol, pasensya na. May team na kasi kami lahat dito. Tatlo kasi ang entry ng shop namin eh." ang sabi ni Patrick sa akin.

"Wala na ba talaga? Kahit hindi pro basta marunong lang ng basic. Mabuo lang lima namin. Hehe!" pangungulit ko.

"Meron pa naman. Super pro pa nga yun eh. Kaso hindi pa sure kung darating at hindi din sure kung papayag na maglaro sa team mo." ang sabi ni Maico.

"Kayo na pumilit. Sige na pre. Pag dumating ha. Kayo na kumumbinse please." pagmamakaawa ko.

"Ayan na pala sila April at Eunice inaalalayan si Celina, ang Reyna ng DOTA!" sigaw ni Maico.

Tugdug... Tugdug... Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalang yun. Tama nga ba ang narinig ko? Celina ba talaga yun? Dahan-dahan akong lumingon sa kanan. Sa direksyon kung saan nakatanaw si Maico, Patrick at ang mga tropa nila.

Biglang nanlamig ang kamay ko at nagpawis ng makita ko si Celina. Nakasuot siya ng usual na attire niya pag magdodota. Simpleng shirt at mini skirt. Ang ganda parin niya. Agad niyang kinamusta ang mga dati niyang mga friends matagal din siyang hindi nagpakita sa kanila.

Hindi pa siya natingin sa direksyon ko. Hindi niya pa siguro ako napapansin. O baka ayaw niya lang talagang tumingin.

Napagisipisip ko na bumalik na lang dun sa taas. Sa lugar kung saan nag-aantay sila Louie. Siguro naman meron ng papunta na mga ka-shop namin. Hindi ko na kailangan ang tulong nila Patrick. Hindi ko kailangan si Celina.

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad patungo sa hagdan.

"Hoy June! Kumpleto na ba kayo?!" sigaw ni Celina, ang Reyna ng PUSO ko.
Chapter 17

-----

Sinabi ko sa kanya ang totoo na wala pa kaming panglimang player. Tipid akong sumagot sa mga tanong niya. Hindi naman sa galit ako sa kanya. Nahihiya kasi ako... Naiilang... Ewan ko ba.

"So ano? Tinatanggihan mong maging Champion? Akala mo ba kaya mong talunin ng basta ang mga ka-shop ko? Bahala ka.." ang sabi niya habang tinatapik-tapik at kinakalabit-kalabit ako.

"Kulit mo. Sabi ko bahala ka kung gusto mong maglaro hindi ba?!" medyo iritang sabi ko.

Ang kulit ng role mo sa buhay ko. Hindi ko maintindhan. Bigla-bigla kang pumasok sa buhay ko ng wala akong kamalay-malay para lagyan ng direksyon ang walang kwenta kong buhay. Ok na sana eh kaso bigla kang umalis. Sinubukan kong hanapin ka, nung makita kita imbis na sumaya ay nasaktan pa ako. Amf.

"Gusto kong marinig ang matamis mong oo!" patuloy niya akong kinukulit. Bwiset. Ang baduy ng banat. Natatawa ako sa kabaduyan eh.

Sinubukan kong pigilan matawa ko. Kinagat ko ang labi ko pero wala. Napangiti ako at natawa.

"Ta'e ka!" ang sabi ko.

Mabilis na nawala ang hiya at pagka-ilang ko sa kanya. Patunay lang na si Celina talaga yung tipo ng tao na kahit gaano ka-sira at ka-badtrip ng mundo mo ay kaya niyang iparamdam sayo na lahat ay okay.

Sana nga Celina okay ang lahat...

"Ikaw magbabayad ng buong pang-register namin ha." pabiro kong sabi. Ok na yata ako. Ganun lang kabilis. Patapik-tapik, pakalabit-kalabit lang at konting pangungulit. Ok na. Pero hanggang kailan kaya? Hanggang kailan kayang ganito?

"Walang problema! Hindi naman masasayang ang papangbayad ko sa registration fee kung sakali dahil ako naman ang maglalaro." pagyayabang nito.

Nagpatuloy ang pagkukulitan namin. Parang katulad lang ng dati. Isinang-tabi ko ang nangyari sa Baguio. Mukhang hindi rin naman niya yun balak ungkatin. Siguro hayaan nalang nating ganito. Mas ok yung ganitong masaya siya. Masaya kaming dalawa. Kesa yung nangangahas ako. Kesa yung nakikita ko siyang umiiyak.

Nagpa-register kami. Wala na akong nagawa nung bayaran niya ang registration fee namin. Tintoo niya ang biro ko. Sabi niya basta galingan ko na lang daw. Aba naman syempre. Papatalo ba ako?

After lunch pa pala ang simula ng eliminations. Bale sabay-sabay daw yung unang walong team maglalaban-laban. Tapos sabay-sabay din 9th to 16th team. So, kung tig dadalawang oras ang bawat game kasama na yung mga toss coin, pilian ng hero at kung ano ano pa ay aabutin kami ng walong oras. 4 hours sa eliminations, 2 hours sa quarter-finals, 2 hours sa semi-finals at 2 hours ulit sa finals. Hindi niyo na gets? Aba, problema niyo yan! Ay teka, ako rin pala naguluhan. Basahin ko na lang ulit. Hehe!

Kasama ko si Celina ngaun. Nakatambay sa magara niyang sasakyan. Kasalukuyang kinakalikot niya ang ipod niya na nakakabit sa usb ng Fortuner niya. Marahil ay naghahanap siya ng kanta.

"Bumaba ka pa ng Manila para lang mag-DoTA. Pasarap ka na sa Baguio ah. May sariling Bar. Ayos!" tanong ko. Amf, wala na akong masabi. Kanina pa kami nagdadaldalan eh.

Nakita kong binaba niya ang ipod at saka dahan-dahang sumandal. Nagsimulang tumugtog ang kantang Hate That I Love You

That's much I love you (yeah)
That's how much I need you (yeah, yeah, yeahah)
And I can't stand ya
Most everything you do
Make me wanna smile
Can I not like you for awhile (no... oh...)

"Sa tita ko yun tang'a." ang sabi niya.

Cuz' you won't let me
You upset me girl
And then you kiss my lips
All of a sudden I forget (that I was upset)
Can't remember what you did

Nagpatuloy siyang magsalita.

"Masarap mag DoTA eh. Haha! Pero alam mo? Hindi naman ako nagpunta dito para mag DoTA eh." sabi niya sabay tumingin sa malayo, nilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo at narinig ko ang malakas niyang buntong-hininga.

But I hate it...
You know exactly what to do
So that I can't stay mad at you
For too long that's wrong

"Dahil ba sa akin? Haha! Biru lang." sabi ko habang natatawa.

Hindi umimik si Celina. Na-ilang tuloy ako. Tumigil ako sa pagtawa.

But I hate it...
You know exactly how to touch
So that I don't want to fuss... and fight no more
Said I despise that I adore you

Nanatiling tahimik hanggang sa marinig kong magbuntong-hininga ulit si Celina.

And I hate how much I love you boy (yeah...)
I can't stand how much I need you (I need you...)
And I hate how much I love you boy (oooh whoah...)
But I just can't let you go
And I hate that I love you so (oooh...)

"Tsk, Mahal kasi kitang ga'go ka." pabulong niya lang itong sinabi pero sigurado ako sa narinig ko.
Chapter 18

-----

Tuloy parin ang kwento? Kami na ni Celina ha! Wakas na dapat ito at may caption na and they lived happily ever after. Hmm.. Bakit kaya hindi pa natigil at nalabas ang credits? Asan ba yung stop button? Paki pindot nga please, gawin ng black ang screen at paakyatin na ang listahan ng cast at credits. Err... Mukhang nga yatang hindi pa tapos..

Natapos agad yung unang match namin, mga 50 mins. Lineup ng kalaban ay Nevermore, Mirana, Sven, Crixalis at Lina tapos ang lineup naman namin ay Lanaya, Puck, Nessaj, Magnus at Zeus. Ok naman yung kalaban namin kaya lang wala silang nagawa sa tandem namin ng aking mahal. Lanaya ako at si Celina naman ay Nessaj, almost perfect farm kami nung early game ni Celina kaya walang palag ang kalaban nung nagrekta mid kami.

Kasalukuyang nagpapalitan kami ng lineup nitong pangalawang kalaban namin. Palagi daw nakakalaro ni Celina ang mga ito, fast game daw ang laro ng mga ito ayon sa kanya. Well, obvious naman eh dahil ang binan nila ay Treant, Raigor at Anubarak. Nakalimutan nilang i-ban si Rigwarl. Checkmate na sila agad; kami ang first pick eh.

Heroes namin ay Rigwarl, Viper, Akasha, Crixalis at Demnok at ang sa kanila naman ay Puck, Rexxar, Zeus, Leshrac at Boush.

Demonyo tong mga kalaban namin. Grabe. Naranasan niyo na rin marahil yung ganito. Eto yung mga tipo ng laro na hindi ka makaka-moneyshot dahil palaging nade-deny ng kalaban ang mga creeps. Hindi mo sila masasabayan dahil tadtad ka ng spam sa kanila. Ok pa sana yung dalawang spammer eh. Kaso tatlo? Tatlong spammer? Sobrang hapdi amf! Teka! Hindi pa tapos! Yung rune pa. Ok lang mamatay sila kesa makuha namin ang rune. Grabe, sobrang kalampag ang lahat ng lanes namin. Bwiset. Paano kaya ito?

"Palevel lang kayo hindi importante ang last hit dahil hindi rin naman sila nagiipon eh. Basta kailangan level 6 kayo pag nagsimula na silang mag all mid." ang sabi ng aking Celina. Hehe!

Bago pa kami mag level 6 ay basag na ang tower namin. Tatlo ang katapat namin ni Viper eh. Puck, Leshrac at Boush. Sobrang bantot noh?

Pagkatapos nilang basagin ang tower namin sa taas ay dumiretso ang Leshrac at Boush sa mid. Kay Celina.

Saglitan lang ang tower sa kanila. Sunog din agad ito. Pero ok narin dahil na deny ito ni Celina. Galing niya talaga. Isipin mo, nagawa niyang magdeny kahit tatlo ang nag push.

"6 na ba Crix?" tanong ko.

"Yep, papunta na kami sa mid." sagot ni Louie na nagamit ng Demnok.

Tumapat kaming tatlo ni Demnok at Crixalis sa apat na galit na galit na hero. Dumating narin kasi si Rexxar. Napatay nga nila si Celina eh, ang may gamit kay Rigwarl.

"Farm muna ako sa bottom. Try niyo i-hold ang level 2 tower." ang sabi ni Celina.

Nakakuha si Viper ng Haste. Sabi niya ay pupunta daw siya sa mid. Kill daw agad ang Zeus.

Bago pa man makapag Viper Strike ang loko ay na-Primal ito at hindi na nagising dahil nag follow up ang Leshrac at pinagbabato siya ng skills. Siguro alam nila na parating si Viper dahil sa ibon ni Rexxar. Ganun pa man ay sumubsob kami ni Crixalis. Gamit ang kanyang Burrow Strike ay nakastun siya ng tatlo. Nag-Wave ako at nangahas si Crixalis na mag Epicenter. Saktong sakto ang pagbagsak ni Demnok sa Infernal at pumasok ang Epicenter. Pag-Scream ko ay namatay ang dalawa pero agad din akong namatay. Namatay din si Crixalis pero hinabol sila ng Infernal kaya wala silang nagawa kung hindi tumakbo. Malas lang nila dahil nakasalubong nila si Celina. Goo.. Goo..

Patay sila. Haha!

"Bano ng Akasha!!" sabi ni Celina. Ga'go amf! Haha!

"Nyek, ikaw nga dumating ka lang nung natapos na yung clash eh." banat ko naman.

"Sus. Noob ka lang."

Ga'go talaga. Haha! Pero alam niyo, pag minumura ako ni Celina kinikilig ako. I find it sweet kasi. Minura niya ako nung sabihin niyang mahal niya ako, hindi ba? Hehe!

So, nagpatuloy ang laro. Hindi naman nangahas ang kalaban na i-bato ang sarili niya sa isa pang early game na push. Sinubukan nila nung midgame pero hindi sila nagtagumpay. Kahit na naubos nila ang apat sa amin, BB is BB. Kaya kayo, pag may pagkakataong i-ban si Rigwarl, i-ban niyo na.

Natapos ang laro ng hindi naman sila nagugulpe. Talagang hindi lang nila kaya ang late game. Si Celina, ang girlfriend ko ba naman ang carry hero eh. Wag ng umasa! Weee!!! Medyo nakakabadtrip nga lang, hindi ako ang bida. Amf!

Semi-finals. Mga highschool kalaban! Grabe yung isa parang hindi pa tule. Haha!

Ay teka?! Tama ba yung narinig ko? Tinalo nila sila Patrick? Omfg!!!

Toss coin, panalo sila. Pinili nila senti side. Ban nila Rigwarl, Terrorblade at Lanaya. Ang ban naman namin ay Anubarak, Rexxar at Razor. Uh? Bakit Razor? Yun daw kasi dumali kila Patrick eh. well, mahirap na.

Lineup namin ay Treant, Sven, Lina, Mirana at Luna Ang sa kanila ay Magnus, Leoric, Mercurial, Nessaj at Puck.

Grabe, nakakatakot yata ang late game? Ay, hindi pala.. Treant nga pala ako.

Nagsimula ang laro. Katapat ni Sven at Lina sa taas si Leoric at Nessaj. Ako naman katapat ko si Magnus sa mid. Sa baba ay katapat ni Mirana at Luna si Mercurial at Puck.

"Firstblood.." ang sabi ni Celina na katabi ko lang.

"Huh?" nagreact ako habang nakakunot ang mukha.

"Ayan oh! Tignan mo sa screen!" sabi ni Celina.

Bigla kong nabasa firstblood. Amf! Loko. Alam na nya agad na mapapatay niya. Haha! So, ayun nga, first blood si Nessaj ng Sven na gamit ni Celina.

Fast forward.....

Ayun, medyo nakakabagot ang laro dahil hindi masyadong madami ang patayan. Super takaw sa pagfafarm ang kalaban. Midgame, masakit na sila lalo si Mercurial, Radiance na!

Nagsimula na silang magsama-sama. Palagi kaming talo sa clash. Ganun pa man hindi sila maka-push. Madami kaming lane/mob control eh.

Nagdesisyon kaming sabayan na lang sila sa late game tutal kaya naman namin, somehow.

Basag na ang mid namin. Basag ang taas nila. Umabot ng 90 mins ang fashion show. I mean yung laro. Lahat kami madami ng items. Ako na Treant ay Refresher, Radiance, Heart at Boots of Travel na. Si Sven na si Celina ay Dagger, Black King Bar, Buriza at Satanic na. Si Mirana ay Mjolnir, Skadi, Linken at Boots of Travel na. Luna namin ay naka Satanic, Butterfly, Radiance, Guinsoo at Black King Bar. Ang yagit na Lina naman namin ay naka dalawang Bracer, Vanguard, Eul's at Travel.

Ang kalaban naman namin ay monsters na rin. Si Leoric Heart, Skadi, Cuirass, Battlefury at Travel. Si Mercurial naka Radiance, Buriza, Mjolnir at Monkey King Bar. Si Nessaj naka Battlefury, Manta Style, Heart at Monkey King Bar. Ang Magnus naman nila ay Refresher, Heart, Guinsoo. Ang gusgusing Puck naman nila ay naka Basilus parin, isang Null Talisman at Dagon 3.

Kung tutuusin talo na kami sa ganitong lagay pero dahil mas maganda pang lane control ang heroes namin. Mas madaling dumiskarte sa pamamagitan ng creepwaves at backdoor.

Treant, Sven at Lina sa gitna. Mirana sa taas at Luna sa baba. Tinapos namin sila sa pamamagitan ng pagpush sa lahat ng lanes. Hindi namin sila kayang talunin ng tapatan so ganun ang ginawa namin.

Hindi ko na i-kekwento ng buo kung paano natapos. Madaming nangyari eh. Basta na Overgrowth ang nag def sa mid. Nabasag agad ni Luna ang baba dahil sa glaives at na peste sila sa Mirana. Gets?

Ok, finals na..

Chapter 19

-----

Hmm... It seems wala pang balak i-tuloy ng ungas niyong bida ang kwento. Paano yan? Para siyang abnormal dun sa may bench sa labas ng shop na nag-iisa at nagmumunimuni. Sabi niya mag-iisip lang daw siya ng line-up para sa finals pero mukhang hindi naman yung ang iniisip niya. Ewan ko. Napapa-isip din tuloy ako... tungkol sa mga... bagay-bagay...

Dun sa mga mahihina ang utak, si Celina to'. Ako muna dito, ok? Walang papalag! Alam ko namang masmadami akong tagahanga kesa sa inutil na si June pero ewan ko kung matutuwa kayo kapag ako na ang nagkwento, kapag istorya ko na. Marahil magbago din ang tingin niyo sa akin pero ok lang naman dahil sanay na ako sa ganun. Sanay akong nagbabago ang mga tao sa paligid ko at sanay din akong iniiwan nila.

So, paano ba sisimula ito? Sa DoTA nalang kaya? Tama, tutal yun naman ang pinag-ugatan ng lahat ng ito, hindi ba? Bakit nga ba naglalaro ang isang magandang babaeng katulad ko ng DoTA? O? Bakit? Maganda talaga ako! Alam ko sa sarili ko yun! Kapag maganda ang pisikal mong itsura hindi na kailangan sa ibang tao pa manggaling na maganda ka dahil sa sarili mo alam mo na dapat yun. Ewan ko lang sa mga panget. Hindi ko alam kung aware sila na panget sila. Haha! Biru lang.

Anyway, balik sa DoTA. Simple lang naman ang dahilan bakit ako naglalaro ng DoTA. Masarap kasi itong laruin! Sinong hindi sang-ayon sa sinabi ko sasampalin ko. Haha!

2 years ago, tinuruan ako maglaro ng DoTA ng bro ko. Una kong hero si Kardel. Tawag ko nga sa kanya Enchanted Kingdom kamukha niya kasi yung logo ng EK. Haha! Hindi ko maalala kung anong version pa ng DoTA yun basta mga 6.2x something. Masyado akong na-engganyo sa DoTA. Nagpraktis ako ng nagpraktis dahil gusto kong talunin si kuya. Masyado kasing mayabang. Amf!

2 years ago, it was also the time we found out na meron akong malubhang sakit. Meron akong cancer. People around me changed, even mom and dad. Pumanget ang relationship namin ng aking parents because I didn't agree to undergo treatment. Pakiramdam ko ganun din naman ang mangyayari eh? Bakit ko pa sasayangin ang oras ko sa treatment? Konti na nga lang oras ko sasayangin ko pa.

Naging supportive si kuya sa akin. Palagi niya akong pinagtatakpan kay mommy pag tumatakas ako, palagi niya akong pinagmamaneho pag gusto kong magshopping, palagi niya akong pinakikinggan at binibigyan ng advice. Sinasama din pala ako ni Kuya dati pag naglalaro sila ng DoTA ng kanyang mga ka-team. Hindi nagtagal I became part of their team. Nagkaroon ako ng new set of friends pero hindi nila alam ang tungkol sa sakit ko. Tinago ko ito dahil kasi gusto kong magkaroon ng normal na buhay.

Lumipas ang mga sampung buwan, I realized that I still want to live. I talked to my bro first. Natuwa siya sa aking desisyon agad-agad niya akong sinamahan para kausapin si mom and dad. Ayun, after 2 weeks lumipad kami papuntang ibang bansa para simulan ang treatment. Naiwan si kuya with my tita.

Para akong hayop dun na palagi lang nakatunganga either sa ospital or sa bahay. Kain, tulog at kompyuter lang. Medyo nakakabagot ang ganung buhay. Buti na nga lang merong gg-client para makapaglaro ng DoTA. Minsan nakakalaro ko din si kuya.

Napatunayan ko na malupit pala talaga ang tadhana at pagkakataon. Hindi pa man kami nakakatatlong buwan wala sa Pilipinas ay tumawag si tita at ako ang nakasagot. Ang sabi niya ay naaksidente daw si kuya at ang kanyang mga barkada noong pauwi sila mula sa isang outing. Noong una ay hindi ako naniniwala pero noong nakita ko si mommy na umiiyak at sabi sa akin ay kailangan ko daw magready dahil uuwi daw sa Pinas, nagsimula na ring bumuhos ang luha ko.

Paulit-ulit kong sinasabi na Put'ang Inang buhay to'.
Chapter 20

-----

Simula Elementary hanggang Highschool varsity ako sa takbuhan. Mabilis at magaling akong tumakbo. Sa katunayan nagagamit ko ito sa pagtakbo sa realidad at katotohanan.

Pagkatapos ng funeral, araw na ng flight namin paalis ng Pilipinas ay tumakas ako. Tumakbo. Hindi ko na inisip kung anong kahihinatnan ng ginawa ko at kung saan ito hahantong, basta ang nasa isip ko lang noon ay tumakas.

Tumakas saan? Hindi ko din alam... Sa parents ko? Sa sakit ko? Sa pagkawala ng kuya ko? Siguro... Baka...

Ang tita kong biyuda ang tumulong sa akin sa lahat. Binigay niya ang lahat ng gusto ko. Pinabayaan niya lang akong mabuhay sa paraan na gusto ko. Tanging paalala niya lang sa akin ay wag daw akong mag drugs. Sinunod ko naman ito.

Maraming bahay si tita kaya naman solong-solo ko ang isa sa mga ito. Madalas tuloy ang house party. Yung mga classmate ko, friends ko, ka-DoTA ko nagsasama sila ng mga friends nila kaya kung sino-sinong nakilala ko.

Lalaki? Oo naman. Sa ganda kong to?! Pero... naging palipas-oras ko lang sila. Kung akala ng mga lalaking yan sila lang ang may kayang manloko at mangbola, nagkakamali sila. Hindi hamak na mas magaling kaming mga babae magsinungaling. Maniwala kayo sa akin. Girls are better liars than boys.

Kaya lang tuso man ang magandang matsing naiisahan din. Nabilog ako nitong si Nardo. Hindi ako sigurado kung nagustuhan ko siya noon. Basta alam ko nakakatuwa siyang kasama. Madami siyang kwento eh. Hindi nauubos. Madalas siyang magbuhat ng bangko pero isa rin yun sa bagay na nakakatuwa sa kanya.

Pero walang hiyang Nardo na yan! Kiss and tell yang as'shole na yan! Nahuli ko sa aktong nagkekwento sa kanyang barkada with actions pa.

So ayun, hindi naman ako nahirapang alisin siya sa buhay ko dahil hindi ko naman ako sigurado sa naramdaman ko sa kanya. Nakakaasar lang. Everytime makikita ko ang pagmumukha niya naiisip ko kung paano ako inisahan ng taong mas bobo pa sa akin. Amf!

Lumipas ang Pasko at Bagong taon. Dumating ang kaarawan ko. Tinawagan ako ni Mommy.. Laking gulat ko. Una kinakabahan ako pero naging ok naman.

Nalaman ko na matagal na pala nilang alam ang number ko at kung saan ako matatagpuan pero minabuti na lang nilang hindi ako pakeelaman sa gusto ko. Madami kaming pinagusapan tungkol sa mga bagay-bagay and stuffs. It really felt so good. Namiss ko ang mom ko ng sobra... Even dad pero nakakalungkot lang at ayaw niya akong kausapin.

Tinanong ni mommy kung kelan daw ba ako tutuloy sa treatment. Ang sagot ko ay hindi ko alam. Sabi ni mommy hindi pa daw huli ang lahat. Hindi na ako sumagot. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Hindi nagtagal nag bye na si mommy. Pahabol niya pala gamitin ko daw yung regalo ni dad na sasakyan.

Magastos sa gas yung Fortuner. Ganun pa man, ginagamit ko siya palagi pagpapasok sa school. Minsan gamit ko siya pag dumadayo para makipagpustahan.

Pustahan sa DoTA... Isang pustahan sa DoTA nagulat ako ng makakita ako ng matang kaparehas ng meron si kuya. Si June. Si June na DoTA lang alam sa mundo. Natalo namin sila tapos ay hiningi niya ang number ko dahil gusto niya pa yatang bumawi. Tapos yun. Dun na nagsimula... Madali akong napalapit sa kanya dahil feeling ko matagal ko na siyang kilala. Hindi lang kasi yung mata niya yung katulad kay kuya, pati yung ugali.

Sinubukan kong tumakas nung nalaman kong nahuhulog na ang loob ko sa kanya pero hindi ko siya natakasan. Madali niya akong nahuli. Nung sabihin niyang mahal niya ako ay natakot ako nung una. Pero heto nagbalik ako para sabihin sa kanya na mahal ko siya. Kukuha narin ako ng pagkakataon mamaya para sabihin sa kanya ang kalagayan ko.

Sawa na ako ng kakatakbo. Hindi naman parents ko ang tinatakbuhan ko. Hindi rin yung sakit ko. Lalong hindi ang pagkawala ni kuya.

Sarili ko lang ang tinatakbuhan ko.

Ngaung hinarap ko na... Sana nga hindi pa huli ang lahat... 

No comments:

Post a Comment