SULAT NI ITAY AT INAY JUNE 21, 2010
Sa aking pagtanda unawain mo sana ako at pagpasensiyahan
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
O naka tapon ng sabaw sa hapag-kainan huwag mo sana akong kagalitan
Maramdamin ang isang matanda,
Naaawa ako sa sarili ko tuwing sisigawan mo
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
Huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi,
pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang,Pasensya ka na anak,
Matanda na talaga ako.
Kapag mahina na ang tuhod ko pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
Katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad
Pagpasensyahan mo sana ako
kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka
basta pakinggan mo na lang ako
Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan
Natatandaan mo anak noong bata kapa?
Kapag gusto mo ng lobo paulit-ulit mo yung sasabihin
Maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy
Amoy-matanda amoy-lupa.
Huwag mo sana akong pilitin maligo.
Mahina na ang katawan ko madaling magkasakit kapag nalamigan
Huwag mo sana akong pandirihan natatandaan mo noong bata kapa?
Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas ako’y masungit dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo maiintindihan mo rin ako.
Kapag may konti kang panahon magkuwentuhan naman,
tayo kahit sandali lang inip na ako sa bahay maghapong nag-iisa walang kausap
Alam kong busy ka sa trabaho
Subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka
Kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko
Natatandaan mo anak noong bata kapa?
Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal
mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear?
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman
Huwag mo sana akong pagsawaang alagaan pagpasensyahan mo na sana
Kung ako man ay maihi o madumi sa higaan
Pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay
Tutal hindi naman na ako magtatagal
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw hawakan mo sana ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan
At huwag kang mag-alala bago ko ipikit ang aking mga mata
Ipapanalangin ko sa Ama na pagpalain ka sana
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina.

No comments:
Post a Comment