Chapter 1
-----
“June, may klase ka ng 3:00? May dadayo kasing taga ibang school mamaya. Medyo malaki pusta kaya i-ready mo ang team mo.” sabi ng shop owner.
“Meron eh, pero sige gawa ako ng paraan.”
Ako si June, narinig niyo naman hindi ba?
DoTA… Hindi ko lang basta hilig ang DoTA, kinakarir ko ito. Tignan mo naman, willing ko isakripisyo ang klase ko ng 3:00 para lang sa DoTA.
Hindi naman sa pagmamayabang pero isa sa top teams ang team ko sa DoTA dito sa unibersidad na pinapasukan ko.
Mas maganda sigurong pakinggan kung top 1 kaso may mga oras na natatalo din kami ng ibang top teams, ganun naman sa DoTA parang bola, bilog. Pero kumapara sa ibang nangungunang team dito ay samin tiwala ang tao. Maganda daw kasi ang team play namin. Kaya naman samin malimit pumusta ang mga taong mahilig magsugal ng kanilang pera para sa dalawang nagsasabong na team sa DoTA.
Bahay, DoTA at eskwelahan dyan naikot ang buhay ko. Sa edad na 18 ay wala pang natitipuhan ang Tarasque ko, wala pa akong girlfriend kahit na may itsura naman daw ako. Kung gugustuhin ko daw madali akong makaka-Hook ng magagandang Chicks ganun pa man kahit kelan hindi sumanggi sa isip ko na i-commit ang sarili ko sa isang babae na maaring iwan lang din ako.
Oi, teka, baka iniisip niyo na ako si Pugna o Terrorblade na nanghihigop ng lakas. Hindi noh! Kahit kelan hindi ako nagpantasya ng Fissure ni Raigor ng kapwa ko lalaki. Dahil proud ako sa sarili kong cute na Courier.
Teka, ano ba tong mga pinagiiisip ko. Buti hindi ako napansin ng prof na hindi naka Wards sa kanya, masyado pa namang sadista ang prof na ito kelangan hindi mo aalisin ang tingin mo sa kanya dahil pag nahuli kang nakatingin sa ibang bagay, may ginagawa o kaya nakikipagdaldalan babatuhin ka niya ng Ulti niya na isang segundo lang ang Cooldown.
Tumingin ako sa aking relo at nakita kong 2:00 na, isang oras nalang magkikita na kami ng makakalaban namin. Kelangan magisip ng lineup. Baka maunahan kami ng kalaban sa hero namin o kaya alam na nila ang lineup namin at i-ban ang mga primary heroes namin.
Hmm…
-----
Natapos ang klase ko ng 2:30, tinext ko na ang mga ka team ko kanina na magkita-kita na lang kami sa dating lugar para makapag plano.
Kahit na meron na akong naisip na lineup kinunkunsulta ko parin sila dahil hindi lang naman ako ang maglalaro. Malaki din ang role na gagampanan nila.
Share ko sa inyo kung paano ako gumawa ng lineup. Para makabuo ng magandang lineup kailangan ng isang team ng Point Guard, Power Forward, Shooting Guard, Small Forward at Center.
Teka bago niyo ako murahin pakinggan niyo muna yung eksplanasyon ko. Hindi ko kayo ginagago.
Oo, pangbasketball ang mga salitang yan pero aplikabol yan lahat sa DoTA. Pag SG rules kasi palitan ng pick so kailangan mo i-prioritize ang pinaka importante sa team niyo.
Pinaka importante sa lineup ng isang team ang Point Guard. Ang mga pinaka sikat na point guard ng isang team ay ang dalawang walang kamatayang Akasha at Mirana Nightshade. Pero kaunti ang nakakaalam na effective na Point Guard si Puck.
Marahil ngaun nahulaan niyo na kung ano ang first pick namin?
Sunod ang Power Forward, kailangan ng isang team ng malakas na tanker na carry hero. Ang ating sikat na sikat na Sven ang madalas tanker/carry ng isang team. May mga pagkakataon na mauunahan kayo sa Sven o kaya maba-ban ang Sven kung sakaling extended league ang laro niyo. Madami namang alternatibo kung sakaling mangyari yun. Nandyan si King Leoric na aabutin pa ng bukas bago mamatay. O kaya si Rigwarl na ubos na ang Ulti ng kalaban ay hindi pa patay.
Shooting Guard ang primary nuker niyo. Boush, Lina, Leshrac, Zeus etc. Nuff’ said. Sila narin ang magsisilbeng warder niyo. Walang ibang item kung hindi wards, wards, wards.
Small Forward, eto pwede niyong palitan ng isa pang nuker kung sakaling ang Point Guard niyo ay pwede ng magsilbeng Small Forward narin. Ang mga effective na Small Forward ay ang mga range hitters na ubod ng lambot tulad ni Razor, Luna Moonfang at Jahrakal. Pero kung tatanungin niyo ako kung sino ang magandang Small Forward? Si Nortrom.
Center, eto yung magiging melee setter niyo. Hindi mahalaga kung hindi siya makunat basta madami siyang maibabatong skills. Halimbawa ay si Raigor Stonehoof, Magnus, Rexxar at ang pinaka pesteng ipis na si Anubarak na palaging naba-ban sa extended league matches. Ang Center ang secondary warder ng team.
Nakapagdesisyon kaming magkaka-team at magtotropa na mag stick kami sa palagi namingfirst pick na Puck at Zeus na aming nuker.
Ang ibang hero ay naka depende na sa pick ng kalaban at sa mga hindi maba-ban.
3:10 may humintong Fortuner sa aming harapan. Sila na ata yan. Bigtime ang kalaban naka puting Fortuner.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 2
“Pre, may mga chicks pa oh.” bulong ni Vince, isa sa mga ka team ko. Si Vince ang aming melee setter o Center.
May walong taong bumaba mula sa sasakyan. Limang lalaki at may tatlong kasamang babae. May muse pa? Tama bang isama ang mga shota sa paglalaro ng DoTA? Sa basketball oo astig kapag may nagche-cheer sayo na chicks pero sa DoTA? Parang ang panget ata tignan.
“Onga e, ewan ko lang kung mahal pa sila nyan kapag napanood nila ang pagka godlike ng kalaban ng mga shota nila.” banat ko.
“Mmmmmooonster Face naman ang mga kalaban natin, mukhang Gondar na nang manta style yung tatlo oh, tapos yung dalawa mukha namang ****.” si Louie, isa rin sa mga ka-team ko. Shooting guard. Siya ang warder namin, kahit walang item kaya niyang dalahin. 100% skills daw siya.
“Parang si June, ****.” ayan, si Philip naman yan. Ang small forward namin,fast farmer. Secondary nuker siya minsan.
“Asa!” ako syempre, point guard.
Ayan, kumpleto na, kilala niyo na ang mga ka-team at katropa ko. Ay teka, yung isa pa naming ka-team nandun sa loob ng shop nakaupo at nagiinternet, loner at kahit sa laro tahimik siya. Siya madalas gumamit ng end gamer namin, Power Forward. Si Ken.
Kinausap ng shop owner ang mga taong nagaantay sa harap ng kanilang Fortuner. Sila na nga ata.
“Kuya, ok na po ba yung, yung…” lumapit sa akin ang isa sa mga babae. Alam ko ang ibig niyang sabihin, yung pusta. 2k initial naming pusta galing sa bulsa ng mismong team namin tapos dinagdagan ng mga side bet. Umabot ng 3k ang side bet kaya nagsarado ng 5k ang pinaka pusta namin.
“Yep, san na po yung players niyo, set na po natin yung rules tapos toss coin na.” cute ang babae, naka mini skirt siya tapos naka shirt na color blue. Kapansin-pansin yung kulay violet niyang tinta sa kuko. Tama ba tinta ba yun? Ah basta… Nakasalamin medyo magkahalong nerdy look ang dating na medyo mukhang anime.
“Kuya, may ban po tayo, xl po.” extended league, ibig sabihin may ban ng heroes.
“Ok, so san na po yung maglalaro para makapag toss coin na sino first ban/first pick?” medyo makulit itong babaeng ito, bakit ba umeeksena pa tong babaeng to? Ok na, alam na naming maganda ka. Ano pwede na ba naming makausap yung makakalaban namin?
“Sige kuya kayo na po mag toss.” ay ang kulit. Bahala na nga. Kumuha ako ng piso mula sa aking coin purse at tinanong ko kung heads or tails. Heads pinili niya at swerte heads ang lumabas. Kanila first ban at first pick.
Puck, Rigwarl at Zeus ang mga binan nila at Akasha, Boush at Sven naman ang binan namin. Alternate yan.
Pumili sila ng hero nila, kanila ang first pick. Mirana, Lina, Crixalis, Morphling at Anubarak ang heroes nila. At ang samin naman ay Nevermoore, King Leoric, Leshrac, Jakiro at Magnus. Alternate ulit yan.
Pumasok na kami sa loob ng shop at laking gulat ko na umupo ang tatlong babae.
“Sila maglalaro? Ano to patawa?” tanong ko kay Vince.
“Baka mag-iinternet lang pre.”
“June, yung mga babae kalaban niyo. Magaling daw yan, wala pang nakakatalo dyan dito sa may lugar natin.” bulong ng shop owner.
“Seryoso kayo?”
“Kuya, pasok na po.” sigaw ng babaeng kausap ko kanina. Malakas ang kanyang boses pero mahinahon parin.
****… Babae nga kalaban namin…
Chapter 3
unang bahagi
-----
Boom... Wipeout kami... Si Leoric lang ang nabuhay.
Celina (Mirana) : Save lang po kuya.
Nabasa ko sa screen.
"Magpapatalo ba tayo sa mga babae?"
"Amf June, ikaw nga itong may apat na deaths eh."
"Oo nga, solo pa man din ikaw sa lane nung umpisa."
"Easy guys, walang mangyayari kung magtatalo tayo."
Hindi na ako nakaimik. Totoo na medyo nagkakalat ako ngaun. Ako kasi ang gumamit ng Nevermoore. Simula pa lang namatay agad ako. Katapat ko kasi si Mirana. Nagulat ako ng lumabas si Lina sa gilid, naka haste siya nun. Tinamaan ako ng stun at nag follow up si Mirana ng Elune's Arrow. Na First Blood ako ni Mirana ng level 2 palang ako.
Yung pangalawa ko namang death ay dahil kay ipis, na-double kill ko kasi si Crixalis at Lina nung mga oras na yun. Naghanap ako ng tagong spot at nagsimula akong mag regen gamit ang Bote ko. Nagulat nalang ako ng lumitaw si Anubarak, nilamon ako ng ipis.
Yung pangatlo naman ay dahil hinahabol ko si Crixalis, mapapatay ko na siya isang Shadowraze nalang kaso biglang may Elune's Arrow na tumama sakin mula sa fog. Nag leap si Mirana sa akin at nag Starfall.
At eto, yung last na death ko ay dahil na wipeout kami, shoot na shoot ang Epicenter sa amin, si Leoric lang ang nabuhay.
Haaay, paano kaya ito.
Sobrang lakas mang gangbang ng kalaban namin. Isipin mo sa dami ng wards nagagangbang pa kami. Yun ang dahilan kung bakit kami natatalo sa mga clash. Kasi napipilitan kaming makipagclash ng wala sa kundisyon.
Si Leshrac, si Louie sa isang iglap lang patay na agad. Ang item niya lang kasi ay dalawang Bracer, Boots at Perseverance. Ginagamit niya kasi ang pera niya pang bili ng wards.
Yung Magnus naman namin na si Vince kawawa din, kapag nag blink at Reverse Polarity ay nauuna pa siyang mamatay dun sa nahuli niya sa Reverse Polarity. Paano, palaging isa o dalawa lang ang nahuhuli niya. Wala pa siyang perfect Reverse Polarity simula kanina.
Yung Jakiro naman namin na si Philip parang hindi kasali. Oo, hindi siya nakakadagdag sa pagkatalo namin pero wala din siyang naitutulong para manalo kami. Ganun pa man, medyo naka farm siya. Nakapag Boots of Travel siya agad at Eul's.
Ang pag-asa dito ay si Ken, ang Leoric. Simula kasi kanina ay wala pa siyang death. 4-0 siya at nakapag farm ng maayos. Meron na siyang Radiance at Reaver. Malapit na daw magka Heart of Tarasque. Very nice Ken!
Ako, bagaman may apat na deaths ay meron akong konting farm, pero hindi ako kuntento, hindi ganito ang usual na laro ko.
"Heart up." sabi ni Ken.
Call time na namin ito, kailangan mag push, alam ko alanganin ang gagawin namin pero mas alanganin kung hindi namin ito gagawin.
Nag front si Leoric at ako, si Nevermoore. Bahagyang nasa gilid namin si Leshrac at si Magnus naman ay medyo malayo, nasa fog.
Nakita kong may papalapit na ipis, naka Vendetta. Buti nalang may sentry wards kaya nakikita namin. Agad ginamitan ni Leoric ng Storm Bolt si Anubarak at lumapit si Leshrac para mag follow up ng isa pang stun. Gumamit ako ng dalawang Shadowraze.
junewafu pwned xtreme's head
Nice! Patay si Anubarak. Isa nalang Killing Spree na ko. Sunod sunod na ito!
Ngunit ang ginawa palang pag suicide ni Anubarak ay parang isang pain. Dahil habang naikot ang cooldown ng mga pang stun ay sinamantala ito ni Crixalis at Mirana. Nag blink si Crixalis papunta sa pwesto namin daladala ang Epicenter. Kasabay nito ang pagleap ni Mirana at gumamit ito ng Starfall.
Muntik na akong mamatay ngunit dahil agad kong napindot ang hotkey ng Black King Bar ay halos kalahati lang ang naibawas sa akin ng mga sumabog na Area of Effect na skills. Nabura sa mundo si Leshrac dahil sinalo niya ang lahat lahat. Pati si Leoric ay sinalo din ang lahat ngunit nabuhay ito dahil makunat na siya.
Ngunit si Lina Inverse na nagmula sa fog ay walang pakundangang ni Laguna Blade si Leoric kaya ito ay nawalan ng unang buhay. Meron pa kasi siyang pangalawang buhay dahil sa Resurrection.
Naiwan akong nagiisa sa area, na focus fire ako at kahit naka Black King Bar pa ako ay agad na unti unting naubos ang buhay ko. Akala ko patay na ko pero buti nalang magandang naipasok ni Magnus ang kanyang Reverse Polarity at nahuli niya si Mirana, Lina at Crixalis.
Napakagat labi ako dahil alam ko na ang sunod na mangyayari. Pinindot ko ang R.
REQUIEM OF SOULS.
junewafu pwned Celina's head
junewafu is on a killing spree
junewafu just got a Double Kill
junewafu pwned lockhearts's head
junewafu is dominating
junewafu just got a Triple Kill
Kadugtong ng Chapter 3
-----
Nag Burrow Strike si Crixalis palayo, na stun ako at si Leoric na kakabuhay lang matapos ma Resurrect. After ng duration ng stun ng Burrowstrike ay sinubukan kong habulin ng Shadowraze ngunit hindi ito tinamaan. Sayang pero maganda na ang nangyari. Coffee break muna ang tatlo sa kanila samantalang kami isa lang ang patay, si Leshrac lang.
"Philip, Travel ka na dito. Push tayo, rekta, backdoor na!" medyo malakas kong pag command na may halong pananabik.
Habang nag po-portal ang aming Jakiro gamit ang kanyang Boot's of Travel, hindi niya napansin na nag wave pala sa tabi niya si Morphling at ginamitan siya nito ng Adaptive Strike. Na stun siya nito. Habang siya ay naka stun, si Morphling ay binanatan siya. Pabilis ito ng pabilis marahil naka Morph. Nililipat niya ang Strength niya sa Agility niya.
Natapos ang duration ng stun at agad na pinalipad ni Jakiro si Morphling gamit ang kanyang Eul's. Tinangka nitong tumakbo ngunit hindi nagtagal ay inabutan din siya ni Morphling. Nagwave kasi ulit si Morphling at gumamit ito ng Diffusal. Patay si Jakiro.
Dun ko lang napansin na naka, Diffusal Blade, Heart of Tarasque, Butterfly at Yasha. Halimaw na halimaw. Hindi ko masyadong napapansin si Morphling kanina. Meron siyang dalawang death pero nung umpisa pa yata yun. Tuloy tuloy siyang nag farm simula nung mga oras na gangbang ng gangbang ang mga kakampi niya.
Habang pinapaslang si Jakiro kanina sinimulan na naming basagin ang kanilang level 3 tower. Nag-backdoor kami. Tatlong sunod sunod na Crow ang nag Portal sa kanilang level 3 tower na delay nito ang pagbasag namin sa kanilang Level 3 Tower pero hindi nagtagal ay nabasag din namin. Saktong pagkabasag ng Tower ay nag dive si Morphling papunta sa amin.
Akala yata ni Morphling kaya niya kaming tatlo dahil madami na siyang item. Mali siya! Ginamitan ng Storm Bolt ni Leoric si Morphling at sinimulan namin siyang i-focus fire.
Habang pinagpepiyestahan namin ang sobrang kunat na Morphling, nagulat ako ng mapansin kong hindi ako makagalaw. May Elune's Arrow pala na tumama sa akin. Nag buyback si Mirana!
Nag leap papunta sa amin si Mirana at nag Starfall.
Celina pwned junewafu's head
Celina just ended junewafu's dominating streak
Tuloy parin ang pagbanat ni Leoric at Magnus sa Morphling. Napatay nila si Morphling pero hindi nagtagal namatay din ang Leoric. Dahil dumating si Crixalis.
Celina pwned 1:1's head
Celina just ended 1:1's unstoppable streak
Celina just got a Double Kill
Sinunod nila ang walang kalaban laban na si Magnus.
Celina pwned Cent's head
Celina is on a killing spree
Celina just got a Triple Kill
Wipeout ulit kami. Mukhang gg na.
Chapter 4
unang bahagi
-----
Awts, hindi ako makatulog. Makapag GG nga muna. Binuksan ko ang monitor at nag login sa GG client.
Ay oo nga pla, yung tungkol sa laro kanina.
Ano pa nga ba, edi talo. Haha! Tanggap ko yung pagkatalo namin, magaling talaga sila pero kung magkakaroon ng rematch may chance din naman kami. Nice game naman daw sabi ni Celina. Aminado daw sila na nahirapan sila.
Ang scenario kasi bago matapos ay padamihan ng pang buyback. Nakapalag pa kami ng konti pagkatapos nung huling beses na na wipeout kami. Ganun pa man walang progress sa items namin. Puro sa deaths at pang buyback napunta ang mga pera namin.
Muntik pa nga parehas mag mega creeps eh, kaso magaling talaga si Mirana. Si Celina. Siya nagdala sa Sentinel sa buong game, kahit hindi siya yung pinaka Carry Hero nila, talagang makikita mong angat na angat siya sa mga kakampi niya.
Awts, walang Online sa friends ko sa GG. Baduy kung maglalaro ako ng public game. Hmm... Teka, text ko nga muna si Miko at si Bobby, mga GG client boys, baka gising pa sila.
GG client TAYO!
Send To: DoTA - Bobby, tapos... Scroll down... Scroll down...
DoTA - Celina. Ay, Oo nga pala, nakuha ko ang number ni Celina kanina. Sabi ko kasi sa kanya baka makipag rematch kami sa kanila.
Hmm, gising pa kaya siya? Siguro naman may GG siya. Yayain ko kaya? Ay sige, lagyan ko nalang ng -gm para kunwari unintentional lang siyang nasama sa group message ko.
Sinend ko kay DoTA - Bobby, DoTA - Celina at DoTA - Miko.
Bumaba muna ako at kumuha ako ng maiinom sa Ref at pagbalik ko sa kwarto ay wala pang nagrereply. Amf naman.
Mag Va-valkyrie na nga lang ako, hanap lang kausap, baka may online pa sa guild. Saktong mag sign out na ako sa GG client ay nag vibrate ang fone ko.
From: DoTA – Celina
Chapter 4
kadugtong
-----
Inadd ko agad si Celina, masya ito, titignan ko kung gaano siya ka-effective kakampi. Hehe! Panonoorin ko rin paano siya mag command. Oha?!
Kaso iba ang gusto niya. 1on1 daw, para naman daw makabawi ako. Amf! Medyo may pagkamahangin din itong Chick na ito ah. Pakikitaan ko ito. Babawi talaga ako.
Naglaro kami, -arom ang gamemode at swerte ako, Shandelzare Silkwood ang akin tapos kanya ay Zeus. Agi vs Int, lamang na agad ako, plus the fact na may stun ako. Kailangan ko lang ay Hood of Defiance para ma penetrate ko ang early game nukes niya.
Teka, hindi ko na i-kekwento ang buong laro, panoorin niyo nalang. Eto, nagsave kasi siya ng replay at hiningi ko ito sa kanya.
http://www.dotahomer.com/uploads/Celina.w3g
Panalo ako, kahit saang anggulo mo tignan malabong manalo ang Zeus sa Shandelzare Silkwood kung parehas marunong ang gumagamit. Ganun pa man, nahirapan ako. Level gap ko siya simula ng mga level 12 pero nakakasabay parin siya. Magaling siyang mag sidestep, magtago sa fog at magtago sa mga puno.
Luck + Skills, yan ang nagpanalo sakin.
Hindi natapos sa isang laro ang gabing iyon. Nag chat chat pa kami. Palitan ng mga basic info sa isa't isa pero hindi naman masyadong naging personal. Napagalaman ko na mag-19 na pala siya at ang kurso niya ay Civil Engineering. Nag iisa lang siyang anak at kasama niya sa bahay ang kanyang tita. Ang mga magulang niya ay nasa ibang bansa nagtatrabaho para ibigay sa kanya ang lahat ng luho. Kaya siya bigtime, kaya meron siyang magarang sasakyan. Solong solo pala niya yun.
Mahilig pala talaga siyang maglaro ng mga Computer Games, nalaman ko kasi na naglalaro din siya ng pRO-Valkyrie. Pero hindi na masyado ngaun, sa akin nga lang niya nalaman na ayos na ang Valkyrie.
Matapos ang mumunting usap usap namin ay naglaro ulit kami ng dota. Inaantok na ako noon pero nilabanan ko ang antok ko. Ewan ko kung anong meron at nakikipagpuyatan ako sa isang babae hindi ko naman lubos na kilala.
Yung... yung kakulitan niya, yun siguro ang nagsilbeng kape na nagpanatili sa aking diwa na gising at sa aking mata na dilat. Ewan ko...
Basta ewan...
Chapter 5
-----
"O, Celina, hindi parin ako makagalaw, panghabang buhay ba ang duration ng stun ng Elune's Arrow mo?
Bigla mo nalang niyugyug ang mundo ko ng Epicenter mo.
Puro critical ang tama sa puso ko dahil sa Coup de Gras mo.
Kaya hanggang ngaun ito'y dinudugo, para akong naka Rupture.
Hindi ka pa nakuntento, ginawa mong Chain Frost ang puso ko, pinatalbog talbog mo ito."
"Wala ka nanamang balak pumasok! Tumayo ka na BATUGAN!"
"Ano ba yan? Badtrip na man o, sino ba yang maingay!"
"Aray!" biglang may humampas sa pwet ko. Masakit, sobra.
Si mommy pala yun. Badtrip naman o, sarap sarap ng panaginip ko eh. Ay teka, ano nga ba yung panaginip ko? Nakalimutan ko agad amf.
"Hindi ka pa maliligo?!"
"Aray, Opo, ma, tatayo na!" hinampas nanaman ako. Argh..
Heto nanaman nasa tapat nanaman ako ng gate ng unibersidad, balik nanaman sa korny na buhay estudyante. Papasok nanaman ako sa eskwelahan. Inaantok pa ako at ang sakit pa ng mata ko. Sana sobrang yaman ng mga magulang ko para hindi ko na kailangan kumuha ng kursong hindi ko naman gusto.
Isang kamukha ni Pudge ang humarang sa akin habang naglalakad ako papasok ng gate.
"ID mo?"
Ayus ah, hindi lang kamukha ni Pudge, meron pa siyang Rot na skill, ANG BAHO! Tutok na tutok pa sa mukha ko ng magsalita siya. Tanggal lahat ng antok ko sa lakas ng tama ng hininga ng walang hiyang discipline officer na kamukha ni Pudge.
Agad kong kinapa ang ID ko sa bulsa ko dahil baka i-Dismember pa niya ako.
Dumiretso na ako papunta sa klase ko. Pagdating ko sa may pinto ay nasilip ko ang loob, wala pa ang prof. Teka, naiihi ako. Umikot ako papuntang direkyon ng CR.
"San ka pupunta? Tatakas ka nanaman?"
Amf, halos maihi ako sa gulat. Naka Vendetta yata kanina itong prof ko kaya hindi ko napansin na nasa likod ko lang.
"CR lang ma'am."
Pinayagan naman niya ako.
Nung makabalik ako sa classroom ay wala akong magawa. Nakakabagot ang dinidiscuss niya. Parang talaga siyang si Anubarak. Hindi lang dahil nag ve-Vendetta siya. Nakakatakot din kasi yung nguso niya.
Try niyo pagmasdan ang bunganga ni Anubarak pag nagsasalita. Parang butas ng pwet na hindi mapakali dahil sa almuranas. Ganun, ganun ang nguso ng prof ko.
Haha! Nakakatawang nakakatakot.
Isang oras pa, medyo nagsasawa na ako sa kakapanood sa bukas sara na bunganga ng prof ko. Teka, makikipagdaldalan na nga lang ako. Nagkekwentuhan sila dun tungkol sa Valentines' Day.
"Ako, sinong gusto akong maka date." singit ko.
"Ayan oh, sino daw gustong kadate ang ating kaklaseng macho gay. Haha!"
"Asa naman.. Ang gwapo ko namang baading."
Hmm, oo nga pala noh, malapit na Valentines' Day, sino kayang pwedeng makadate? Kahit medyo wala sa bokabularyo ko ang mang chicks, tuwing Valentines' Day may date ako. Last year nga pinsan ko ka date ko eh. Haha! O? May reklamo? Kung hindi date yun, ano yun?
Uy, nagva-vibrate ang fone ko. Pasimple kong chineck ang fone ko, may nag text.
From: DoTA - Celina
Hey!
No comments:
Post a Comment