Friday, December 3, 2010

Imposible by Imperfect

 Imposible Part 1

I have ever since seemed to myself broken off from mankind; a kind of solitary wanderer in the wild of life, without any direction, or fixed point of view; a gloomy gazer on the world to which I have little relation. - Samuel Johnson


"Isang lights..." sabi ko sa bartender. Ano ba 'yan, nandito na naman ako sa Basement. Ang lakas ng musika, ang daming sumasayaw. Foam party pa ata ngayong gabing ito. Masaya ang lahat. Pinapanood ko sila. Yung foam machine gumagana na. Grabe talaga ibang tao, may pagka-wild basta nakakarinig lang ng musika. Kinuha ko yung West Ice sa bulsa ko at nagsindi ng isang yosi habang tuluyang nagmamasid sa mga sumasayaw.

Kung iisipin, hanggang dito lang ang ganyang kasiyahan. Hanggang sa sandali lang ng ito. Habang malakas pa ang musika at madilim ang kapaligiran. Pero pagkagising nila bukas, wala na 'to. Balik sa baduy na buhay. Mamumulat uli sila sa katotohanan. Magigising sa tunay na reyalidad. Dalawa lang naman 'yan eh. Magtra-trabaho ka o mag-aaral. Kaso naisip ko rin, tama na siguro kahit panandaliang aliw. Kahit isang minuto makalimutan mo lahat ng problema, ayos na ang entrance fee at kaunting inom. Tama na yung 250 na nasa wallet.

Ay teka, nakalimutan ko nga palang magpakilala. Ako si Yomz. Isang estudyante ng Pamantasan ng Ateneo. At katulad ng halos lahat ng tao sa paaralan ko, may kaya ang pamilya ko. At sabi ng iba, matalino ako. Ewan ko kung totoo pero wala naman akong pakialam sa sabi-sabi ng iba. Fourth year premed student ako. Ano pa ba... Ayun, itsura ko. Hindi naman ako ganon katangkad, hindi rin pandak. Tama lang siguro. Itim ang aking buhok at mga mata. Medyo mahaba-haba ang buhok ko. Gwapo daw ako. Naks. Ewan ko.

Ang pinakamahalagang malaman tungkol sa akin ay isa akong only child. El unico hijo. Mahirap ang ganitong buhay. Walang kapatid. Laging mag-isa sa bahay. Pero ayos lang. Sanay na naman ako eh. Medyo may pagkamalungkot ang buhay, 'di ba? Kaya nga ganito ako ngayon. Dahil gusto kong takasan ang lungkot na nadarama ko.

Lakwatsa. Simula pa lang noong nasa Grade 5 ako, lakwatsero na ako. Kung saan-saan pumupunta, kung saan-saan sumisipot. Yosi. Una kong nadiskubre noong nasa first year highschool ako. Ala-ala ko pa noon, dami namin sa likod ng gym na nagtatago upang makapagsindi lang. Tsongki. Pinakilala sa akin ni Jeps, ang kaklase ko nung highschool na pusher rin. Sinama niya ako sa pot session ng iba naming ka-batch at pinatikim. Toma. Grade 6 pa lang tumotoma na ako. Mga pinsan ko naman may kasalanan nito. Mga BI kasi sila. Haha. Parang ako hindi. Babae. Madami na akong nadaanan. Marami na rin ang araw na nagising ako na hindi ko kilala ang babaeng katabi ko. Pero hindi ko pinipilit ang ayaw. Hindi ako ganon. May respeto pa rin naman ako. Sa mga bagay na ito umiikot ang mundo ko. 'Yan ang mga panakip butas sa emptiness ng buhay ko. Inaamin ko, wala akong gaanong kaibigan. Pili lang sila. Palibhasa, sanay kasi akong mag-isa. Loner kung tawagin ng iba.

Ngayon, baka iniisip mo, bakit nagpapakilala 'tong siraulong 'to? Simple lang kasagutan sa tanong mo pare. May kwento ako. Tungkol sa pag-ibig na nabigo. Alam ko, alam ko. Gasgas na ang mga kwentong tulad nito, pero sana makinig ka. Kailangan kong ikwento ito. Alang-alang sa puso ko. Ano simulan ko na? Sige, sige.

Magsisimula ako sa isang linya na madalas ginagamit sa mga kwentuhang lalake.

Minsan may isang babae...


Click here to read Part 2

No comments:

Post a Comment