Friday, September 14, 2012

Gitara

Gitara
By alyloony

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
“To my dearest Ideshiie,
You are the sweetest of all the sweets, and the most beautiful Goddess I’ve ever seen.
Your smile is like a rainbow after the rain
Love, Superman”
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Inilapag ng parekoy na si Enzo yung letter na kasama nung isang box ng ferrero
chocolate then kumuha siya ng isa nito at kinain
“parekoy Ides, smile ka nga, tignan natin kung parang rainbow after the rain
talaga yang ngiti mo”
Hinampas ko siya “parekoy naman eh! Nangaasar ka ba?!”
“hindi naman. Masyado lang akong na-sweetan sa secret admirer mong si
Superman”
“ay naku eto ang mas sweet!” inabot ko sa kanya yung napaka tamis na letter ng isa
sa mga secret admirer ko. Kinuha naman niya ito at binasa

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
“Dear Ideshiie
Hi
Love Pedro”
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Bigla na lang humagalpak ng tawa si Enzo “hahahahahaha grabe parekoy! Ano ba
naman tong mga manliligaw mo parang naka hithit ng muriatic acid. Mukhang
mga high eh!”
Hinampas ko ulit siya sa braso “eh atleast sila dumadamoves! Eh ikaw?! Sino ba
kasi ang nagugustuhan mo ha? pormahan mo na kaya!”
He just smiled at me then kinuha ang gitara niya at nagstart mag strum
Ayan ang parekoy-slash-best friend kong si Enzo. Matalino, mabait at gwapo pero no
girl friend since birth. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Kung tutuusin madami
nagkakagusto sa kanya pero iniisnob niya lang. Minsan naghihinala ako na baka
parehong lalaki ang hanap namin.
“eh ikaw naman parekoy? May balak ka na bang sagutin sa mga high mong
suitors?”
“wala” sagot ko sa kanya
“bakit naman?”
I just smiled at him at tumingin sa langit.
I’m Ideshiie. Fourth year high school student. Sabi ng iba ako na ang heartthrob queen
sa school na to dahil sa dami ng admirers at suitors ko.
Sabi naman ni Enzo, ako yung batang siga pero iyakin na parekoy niya.
Simpleng tao lang ako pero hindi ko alam kung bakit parang magnet ako sa mga lalaki.
Yun nga lang sa dinami dami nila, wala ni-isa sa kanila ang napamahal talaga ko.
Bukod sa yung iba eh ayaw naman magpakilala saakin at pinupuno lang ng sulat ang
locker ko, yung iba naman nagustuhan lang ako dahil maganda ako.
Wala akong sinasagot sa kanila. Siguro sa kadahilanan narin na parang may kulang sa
kanila. May hinahanap ako na hanggang ngayon, hindi ko mahanap.
Ganito araw araw ang routine ng buhay ko. Papasok sa school, dadaan sa locker ko.
As usual makakakita na naman ako ng kung anu-ano sa locker ko. Sa ibabaw puno ng
chocolates na halos maging diabetic na ko sa dami nila, flowers na nagmumukha ng
flower shop ang bahay namin, at sulat na akala mo eh mailbox ang locker ko.
Buti na lang at nandyan si Enzo para taga bitbit ko ng mga flowers at chocolates.
Minsan nga nahihiya na ko sa kanya kasi kung gaano kadaming love letters ang
narerecieve ko, ganun din kadami ang death threats na nakukuha niya galing sa mga
suitors ko.
“uy sorry parekoy. Lagi mo na ko hinahatid sa bahay namin tapos inaaway ka pa
ng mga nakahithit ng asukal na mga lalaking yun. Pasensya na talaga ha?” sabi
ko sa kanya one time nung hinahatid niya ako pauwi.
“ok lang yun. Nakakalibre naman ako ng meryenda ng dahil sayo. Tsaka ng
chocolate”
“gusto mo flowers din?” inabot ko sa kanya yung isang bouquet na hawak ko
“ayoko niyan. Hindi edible”
“umiral na naman ang katakawan mo”
“hahaha saan mo naman ako pamemeryendahin ngayon parekoy?”
“sa mcdo want mo?”
He smile “sure”
Tinignan ko yung likod niya and as usual nakasakbit na naman doon yung gitara niya.
“parekoy bakit lagi mong dala-dala ang gitara mo?” I asked him.
“girlfriend ko yan eh. Kaya lagi ko kasama” sagot naman niya
Tinignan ko si parekoy. Bakit ba napaka lihim nito pagdating sa lovelife? Ayaw niyang
pinaalam o sinasabi saakin kaya naman naiintriga ako ng husto.
“parekoy sino ba ang crush mo sa school?” natanong ko sa kanya one time habang
naka tambay kami sa may school play grounds. As usual, hawak hawak na naman niya
ang gitara niya.
“crush? Yung gitara ko crush ko” sagot niya saakin.
“eh naman eh! Yung matino! Sino nga? Kahit yung simpleng nagagandahan ka
lang?”
“nagagandahan?” he looked at me then he smile “sayo. Nagagandahan ako
sayo” sabi niya sabay iwas ng tingin at nag strum ng gitara niya.
Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko.
Isa ito sa pinagtataka ko sa sarili ko. Sanay na kong sinasabihan ng maganda. Pero
bakit pag sa kanya nanggaling iba ang pakiramdam ko?
Umaga. As usual, pagkadaan ko sa locker ko, puno na naman ng kung anu-anong
bagay ang mga ito. Mukhang mapapabuhat na naman ng boxes ng chocolates si
parekoy ah. Samahan mo pa ng mga naglalakihang bouquet ng flowers. Akala mo
ibuburol ako eh.
Pag bukas ko ng locker ko, ang dami na naman nakasingit na papel. Mga notes na
naman galing sa mga admirers. Kinuha ko yung mga notes then pinuntahan ko si
parekoy doon sa school playground kung saan kami madalas tumambay. Nakita ko siya
na nakaupo sa ilalim ng puno habang nagtutugtog ng gitara. Tinabihan ko naman siya
at isa isang binasa yung mga notes.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Dear Ideshiie,
Hello
Love, Pedro
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Hay ang sweet sweet talaga ni Pedro kahit kailan. Malapit na niya ko mapasagot sa
mga pa-hi hello niya. =___=

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Ideshiie,
YOU ARE THE... apple of my eye, mango of my pie, palaman of my tinapay, keso of my
monay, teeth of my suklay, fingers on my kamay, blood in my atay, bubbles of my
laway, sala of my bahay, seeds of my palay, clothes in my ukay- ukay, calcium in my
kalansay, calamansi on my siomai, inay of my tatay, knot on my tie, toyo on my kuchay,
vitamins in my gulay, airplane of my Cathay, stars of my sky, hammer of my panday,
sand of my Boracay, sultan of my Brunei, highlands of my Tagaytay, MOLE on my Ate
Guy, baba of my Ai-Ai, voice of my Inday Garutay, spinach of my Popeye, sizzle when I
fry, wind when I paypay, tungkod when I'm pilay, feeling when I'm high, shoulder when I
cry, wings when I fly, prize when I vie, cure to my "ARAY!", answer to my "WHY?",
foundation of my tulay, truth behind the lie, the life after I die... In short, you're the
center of my buhay.
Love,
soon to be boyfriend mo
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Hehehehehehe. Hahahahaha. Huhuhuhuhuhu
Ampupu. Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman after kong mabasa ang
mga ito. Tatawa ba ko, kikiligin o maiiyak? Sabi na eh masama sa kalusugan ang
pagbabasa ng mga love letters. Dapat tantanan ko na to.
Ititigil ko n asana ang pagbabasa nung may nakita akong isang note dito na nakasulat
lang sa isang 1/4 pad paper. Kapansin pansin lang talaga kasi karaniwan nasa
magandang papel nakasulat ang mga bigay nila. Eto nasa pad paper lang?
Binuksan ko ito and binasa yung nakasulat

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Dear Ideshiie
You’re my Mona Lisa
You’re my rainbow skies
And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes...
Maganda ka ba? Sige na nga maganda ka na. Pero magandahan pa kaya sila pag
nakita ka nilang punong puno ang bibig habang kumakain? O humahagalpak ng tawa?
O umutot? O bagong gising at puno ng muta ang mata at puro panis na laway ang gilid
ng bibig mo?
Don’t worry, para saakin ikaw parin ang pinaka maganda. Mahal kita eh.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Napangiti naman ako bigla sa nabasa ko. For the first time in history, kinilig ako ng dahil
sa sulat ng isa sa mga admirers ko.
Too bad hindi ko kilala ang nagpadala nito.
“parekoy” kalabit ko kay Enzo “alam mo ba tugtugin ang kantang to?” pinakita ko
naman sa kanya yung letter at binasa niya
“oo alam ko. Gusto mo kantahan kita?”
“sige nga!”
He started strumming the guitar then kumanta siya
You’re my piece of mind, in this crazy world
You’re every thing I've tried to find
Your love is a pearl
Napangiti ako habang kumakanta si Enzo. Ang ganda kasi talaga ng boses ng parekoy
na to eh. Kung hindi ko lang to best friend malamang nainlove na ko dito.
You’re my Mona Lisa
You’re my rainbow skies
And my only prayer is that you realize
You'll always be beautiful in my eyes...
Pero kung sabagay, hindi man ako sa kanya mainlove, mukhang sa lalaking nagpadala
saakin ng letter na ito.
Pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala.
The next day naka receive ulit ako ng letter sa kanya.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Dear Ideshiie
I don’t want another pretty face
I don’t want just anyone to hold
I don’t want my love go to waste
I want you and your beautiful soul
Nag survey ako. Ang tanong ko “bakit niyo nagustuhan si Ideshiie” 80% sinabi dahil
maganda ka. Kaso kung ako tatanungin kung bakit kita nagustuhan alam mo ang
isasagot ko? Dahil ikaw si Ideshiie
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Pinakanta ko ulit it okay Enzo and as usual kinilig na naman ako.
Sa mga sumunod na araw, lagi na lang ako nakaka receive ng mga letters na may lyrics
ng kanta galing kay mystery guy. And sa bawat letter niya, lagi ko itong pinapakanta kay
Enzo

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Dear Ideshiie
I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you...
Aaminin ko matagal na ko nag balak na bitiwan ka, na kalimutan ka. Sinabi ko sa sarili
ko, wala akong pag-asa. Sa dinami dami ng may gusto sayo mapansin mo pa kaya
ako? Masaya na ko na makita kang masaya. Pero para kang magnet eh. Kada gusto ko
na bumitaw lagi mo akong hinihila papablik. Siguro kung may isa akong bagay na hindi
mai-gi-give up, yun ang pagmamahal ko para sa iyo.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

After kong mabasa ang letter niya na ito, para akong kinilabutan na hindi ko
maintindihan. Ngayon alam ko na, iba siya sa lahat.
Inabot ko yung letter kay Enzo para kantahin niya. Nag start na siyang i-strum ang
gitara niya tsaka niya ito kinanta.
“It took one look
And forever laid out in front of me
One smile and I died
Only to be revived by you”
Mas lalo akong kinilabutan nung kinanta ito ni Enzo. Para kasing nangaasar yung
parekoy na to eh. Nararamdaman ko yung message ng kanta habang kinakanta niya
ito.
“There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'bout the way life plays out...”
Siguro dahil ang galing lang niya talaga kaya ganito nararamdaman ko? Siguro dahil
masyado ng expert sa pagkanta ang parekoy ko kaya nailalabas niya na ng husto yung
feeling nung kanta
I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you... ooh...
Kaso ang hindi ko maintindihan, yung malungkot na expression ng mukha niya habang
inaawit niya ito.
Ilang araw ding hindi nagpadala ng letter si mystery guy. Aaminin ko nalulungkot ako
kasi kada umaga inaantay ko palagi yung mga letter niya.
Kada umaga inaantay ko ito para kantahin ni Enzo.
Yung mga message ng kanta, at yung way kung paano ito kinakanta ni Enzo ang
gumigising sa puso ko kada umaga. Kada makikita ko yung letter, at kada maririnig ko
na ang magandang boses ng parekoy ko aaminin ko, hindi maiwasang lumundag ang
puso ko sa sobrang saya.
Kung dahil ba doon sa letter o dahil sa pagkanta ni Enzo hindi ko alam. Ang alam ko
lang, inaabanggan ko ito araw araw.
Isang araw nung buksan ko ulit ang locker ko, halos mapatili ako sa sobrang saya nung
makita ko ang pamilyar na papel. Agad agad ko itong kinuha at binasa ang laman.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~
Dear Ideshiie
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Ilang araw ko ng hindi nakikita yung masisigla mong ngiti. Naisip ko, dahil kaya saakin?
Pero kung ano man ang problema, sana ang simpleng sulat na ito ay napangiti ka.
Ideshiie, kahit hindi mo nararamdaman ang totoo kong nararamdaman sayo, sana dito
man lang sa sulat na ito malaman mo na mahal na mahal kita.
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Agad naman akong napatalon dahil sa kilig. Tumakbo agad ako papunta kay Enzo para
ipakita yung sulat.
“Parekoy! Parekoy!! Nagpadala na ulit siya ng sulat saakin oh!” inabot ko sa kanya
yung sulat
“aba ayos ha. Mukhang excited ka. Siguro in love ka na dito no?”
Nginitian ko lang siya “dali na tugtugin mo na”
Inayos niy Enzo yung gitara niya at nagsimula siyang tugtugin ito.
"Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang kinakanta niya ito. Nakatitig sa mga mata
ko si Enzo habang kumakanta siya. Dati kasi lagi lang siyang nakatingin sa gitara niya,
pero this time saakin siya nakatingin.
Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ng humiwalay ng puso ko sa katawan ko.
"Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik"
Siguro kung meron mang matutunaw dito hindi ikaw Enzo, kung hindi ako. Ngayon ko
lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam
ko habang kumakanta siya at nakatingin saakin, hindi ko maiwasang titigan siya sa
mata.
"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin"
Bigla niyang itinigil ang pagtugtog at hinawakan ang kamay ko
“parekoy, aalis na kami. . .” sabi niya saakin ng may malungkot na tinig
“ha? aalis? Anong ibig mong sabihin?”
“mag mi-migrate na kami sa Italy”
Natigilan ako sa mga binitawan niyang salita.
Hindi ako makagalaw. Paulit ulit sinasabi ng utak ko na nabingi lang ako. Na iba ang
pagkakarinig ko. Na hindi siya aalis.
Kahit alam ko sa sarili ko ang totoo.
“aalis ka na?”
Tumango lang siya “next semester hindi na ko mag-aaral dito”
Huminga ako ng malalim para mapigilan ang mga luhang gustong lumabas sa mata
ko “bakit ang bilis?”
“kahit ako nagulat din. Pero bago yun, may gusto pa akong sabihin
sayo” pumunta siya sa harap ko atsaka lumuhod para makita niya maigi ang mukha ko.
Tinitigan niya ako sa mga mata sabay bitiw ng mga katagang hindi ko inaasahan na
manggaling sa kanya.
“mahal kita. Hindi bilang isang kaibigan o kapatid. Mahal kita, parekoy”
Ilang linggo na ang nakalipas simula ng sabihin niya saakin na mahal niya ko.
Hanggang ngayon paulit ulit parin sa isipan ko ang mga katagang yun.
Matapos niyang sabihin yun, bigla na lang akong tumakbo palayo. Simula nun, hindi na
kami nag kita pa.
Inaamin ko mukhang ewan ako dahil sa ginawa ko. Pero ayaw talaga mag function ng
utak ko nung mga panahon na yun. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong i-react.
Semestral break na ngayon. Alam ko na sa darating na pasukan hindi ko na siya
makikita.
Napapikit ako. Naalala ko lahat ng mga bagay na ginawa namin ng magkasama. Mga
tawanan, asaran at kulitan. Nung panahong nakaupo lang siya sa isang tabi at
tumutugtog ng gitara. At yung mga panahong kinakantahan niya ko.
Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Napadilat ako ng mata at bigla na lang lumakas ang pintig ng puso ko nung maalala ko
nung kinantahan niya ako habang nakatitig siya saakin.
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Napabangon ako sa kama ko at inilagay ang kamay ko sa dibdib ko atsaka
pinakiramdaman ang puso ko.
Ipinikit ko ulit ang mata ko.
“mahal kita. Hindi bilang isang kaibigan o kapatid. Mahal kita, parekoy”
“mahal kita. Hindi bilang isang kaibigan o kapatid. Mahal kita, parekoy”
“mahal kita. Hindi bilang isang kaibigan o kapatid. Mahal kita, parekoy”
“mahal kita. Hindi bilang isang kaibigan o kapatid. Mahal kita, parekoy”
Idinilat ko ang mata ko
“mahal din kita, Enzo. Mahal kita. Ayokong mawala ka saakin”
“mag mi-migrate na kami sa Italy”
Hindi. Hindi pwede. Hindi siya pwedeng umalis hangga’t hindi niya nalalaman ang
nararamdaman ko.
Agad akong nagpalit ng damit at tumakbo palabas papunta sa bahay nila Enzo. Ng
marating ko ang bahay nila, nakita ko naman ang kotse nila na palabas
“manang saan sila pupunta?!” tanong ko doon sa kasambahay nila
“ay aalis na po papuntang Italy”
Aalis na? hindi pwede! Hindi siya pwedeng umalis!
Tumakbo ako at sinubukan kong habulin yung kotse
“ENZO!!”
Oo alam kong hindi ko kayang abutan to, pero hindi ako papaya na aalis siya ng ganito.
Aalis siya ng hindi niya malalamang mahal ko din siya.
“PAREKOY!! ENZO!! BUMABA KA DIYAN! MADAMI PA KO SASABIHIN SAYO!!!”
Medyo lumalayo na ang distansya nung kotse nila at nararamdaman ko din ang untiunti
ng pamamanhid ng katawan ko kaso patuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa
maramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha ko.
“ENZO!! Enzo…”
Napahinto na lang ako at napaupo sa sahig habang nakatakip ang dalawang kamay sa
mukha ko.
Wala na siya.
Ni-hindi ko manlang nasabi ang nararamdaman ko. Ni-hindi ko manlang nasabi na hindi
talaga yung sulat ang hinihintay ko, kundi yung pagkanta niya saakin. Hindi ako doon sa
taong nagbigay ng sulat nahulog kundi sakanya.
“parekoy”
Napaangat bigla ang ulo ko ng marinig ko ang boses na yun.
“Enzo?”
“bakit ka naman tumakbo ng ganun?”
Nakita ko sa likuran niya yung kotse na hinahabol ko kanina na nakahinto na.
“may sasabihin pa kasi ako sayo! Hindi ka pwedeng umalis hangga’t hindi mo
naririnig ito!”tinignan ko siya sa mata “mahal din kita. Mahal na mahal! Kaso bakit
ganito? Bakit ngayon pa kung kelan aalis ka na? bakit ngayon pa na iiwan mo na
ko?”
Inalalayan niya ako tumayo atsaka pinunasan nito ang luha ko
“hindi na ko aalis”
“h-ha?”
“dito na ko gagraduate ng highschool at mag college kasi sabi ko sa kanila hindi
ko kayang iwan ang iyakin kong parekoy”
“E-enzo..”
“atsaka may hindi pa ko naibibigay sayo”
May kinuha siyang papel galing sa bulsa niya at inabot niya saakin.
Katulad nung sulat na binibigay saakin ni mystery guy.
“t-teka ikaw si…?”
Nginitian niya lang ako atsaka kinuha ang gitara na nakasabit sa likod niya. Bago ko pa
mabasa ang sulat niya, kinanta niya na ito para saakin.
Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa tuwing tayo'y magkasama
Huminto siya sa pagtugtog atsaka tumingin saakin.
“oo nga naman parekoy. Kada magkasama tayo lagi na lang may eentrang
manliligaw mo. Minsan nga gusto ko ng manigaw eh. Gusto kong sabihin sa
kanila na ano ba, moment namin to eh! Wag nga kayo umextra!”
Natawa naman ako bigla sa sinabi niya.
Itinuloy niya ang pagtugtog
Bakit pa kailangan ng rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
“kung bigyan siguro kita ngayon ng rosas wala ng thrill. Araw araw na lang kasi
ikaw nakakatanggap nun eh”
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara
“pero meron na bang nakagawa sayo nito? Na araw araw kang kakantahan para
lang mapasaya ka? Ako lang yun di ba? Pero masaya ako, kasi napapangiti kita.
Eto lang ang kaya kong gawin. Wala akong pambili ng mamahaling chocolates, o
bulaklak o stufftoy. Pero kada kinakantahan kita, lahat to nanggagaling sa puso
ko”
Hinawakan ni Enzo ang kamay ko “natakot ako dati na baka pag sinabi ko sayo,
mawala ka ng tuluyan saakin. Lalo na nung panahon na nasabi ko na sayo at
hindi mo na ko pinapansin. Pero masaya ako ngayon, mahal kita”
Bigla na naman bumagsak ang luha ko kaya napayakap na lang ako sa kanya.
“mahal din kita.”
The end.


No comments:

Post a Comment